Kabanata 39

4.2K 59 28
                                    

Kinabukasan paggising ko ay inakala kong hindi ko na sila maabutan ngunit natagpuan ko si Dalton sa aking kusina at nagluluto, kasama sila Zillex at bulilit na masayang nag kwe-kwentuhan.

Pero syempre ang bulilit na naman ang bida.

Sumandal ako sa hamba ng pinto at pinanood muna sila imbis na pumapasok na ng tuluyan sa loob.

“Tapos alam mo ba Dad?” bibo nitong tanong.

“Hindi pa.” sagot ng isa kaya naman mabilis siyang nakatanggap ng pingot mula kay Dalton.

“Umagang-umaga binubwisit mo.” singhal nito kay Zillex na natatawang hinalikan ang anak dahil nakasimangot na.

Bully talaga. ‘Yan na nga lang kamukha niya inaaway pa.

“B-Bad! sumbong kita ate ganda ko!” pananakot ng bulilit tinaas pa ang point finger niya para mag sign ng ‘lagot’.

Hindi ko na napigilang umentrada para mahalikan na sa pisngi si Ember. Kagigil talaga sarap ibulsa.

“Sino nang-away sa bulilit na ‘yan? Hindi natin bati.” malambing kong sabi dito at pinanggigilan ang matambok na pisngi.

“S-Si Daddy Swillex, bad!” She pursed her lips, pinalungkot pa ang itsura kaya muntikan na akong matawa.

Madrama kong sinuklay ang buhok niya. “Oh, di natin bati ‘yan, inaaway ang prinsesa ko.” lumingon ako kay Zillex at pinanliitan ito ng mata na parang sinasabing h’wag ng umangal.

Tumango tango ang bulilit, hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagdila niya sa ama at ng napansing nakatingin ako sa kanya ay muling pinalungkot ang itsura.

Saan nagmana ‘to?!

“H’wag ka ng magtaka, sa nanay nagmana.” ngisi ni Zillex sa akin ng mapansin ang reaksyon ko.

Tsk. pakialam ko ba kung kay Monica ‘to nagmana. Basta akin si bulilit, tapos ang usapan.

My heart feltl so full while watching them. Masaya parin ako kahit ginagawa lang nila ‘to para kay Ember, at hindi para sa akin.

Sa mga nagdadaang araw na puro sakit lang ang tanging nararamdaman ko ngayon ay pakiramdam ko ay ayaw ko ng matapos ang araw.

Hinihiling ko na sana ay palagi nalang kaming ganito. Na sana ay hindi na ‘to matapos. Dahil alam kong hindi ko kakayanin sa oras na mawala sila sa tabi ko.

Magkakaroon ng party mamayang gabi dahil sa birthday ni Ember. Ang saya ko nga ng malaman kong kami ang unang nakapag celebrate ng birthday ni Ember, at ipagpapatuloy lang ngayong gabi.

Pinapapunta ako ng bulilit pati na'rin nila Zillex kaso hindi ko alam kung makakapunta ako lalo na kung nand’on sila Dad. Ayokong sirain ang gabi nila dahil lang sa kagustuhan kong magpunta.

Ngunit hindi ko naman kakayanin kung sasama ang loob sa akin ni Ember. D’on ko lang din kase maibibigay ang gift ko para sa kanya.

Wala rin naman akong damit na para suotin mamayang gabi kaya baka kay Zillex ko nalang ‘din ibigay ang regalo ko kay bulilit.

Nagpasuyo ako kay Porsh ng damit pang bata. Meron kase ‘non sa boutique niya, sinend niya sa akin ang mga folder ng disenyo niya para makapamili ako. At ng may makitang alam kong babagay kay Ember ay pinili ko agad ‘yon at binili. Papadala nalang ni Porsh mamayang tanghali.

Wala si bulilit sa kompanya ni Zillex kaya wala ring nanggugulo. Nanibago tuloy ako, kaya mas lalo lang natutok sa trabaho.

Zillex acting so different today. Simula ng naging pag-uusap namin kagabi ay tuluyang may nagbago sa kanila. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o sasaya sa nangyayari.

Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon