Kabanata 4

1.6K 50 1
                                    

Kabanata 4

Hindi na mabilang ni Celeste kung ilang minuto na siyang nakatayo sa harap ng isang malaking gate. Panay ang lunok niya habang pinapasadahan naman ng tingin ang malaking bahay.

Tahimik at parang walang katao tao ang bahay. Napansin rin niya na tila napabayaan na ito at mukhang lumang luma na. Napupuno ng mga alikabok at mga lantang dahon mula sa isang matandang kahoy ang paligid.

Hindi naman siya siguro nagkakamali ano? Pero kasi bumase lang siya sa address na ibinigay sa kanya ng matanda kagabi.

Naghintay na muna siya ng dalawa pang minuto bago naisipan na mag door bell at wala pang isang segundo ay bumukas ng kusa ang gate. Humugot siya ng malalim na hininga at naglakad papasok. Ramdam na ramdam na kaagad niya ang kakaibang aura ng lugar kahit hindi pa man siya nakakalapit at nakakapasok sa mismong bahay.

Huminto siya sa may harap nito. Bumukas ang pintuan at iniluwa iyon ng babaeng matanda at isang magandang  babae na may mahaba at medyo kulot na buhok. Maganda ang ito, maputla ang balat at magara ang damit na suot subalit hindi niya gusto ang aura nito. Nakakangilabot at nakakatakot. Kung tignan naman siya nito ay parang may panliliit.

"Is she the woman that Evren was talking about?" Even her voice is as cold as ice.

"Opo, Señora."

"You.." Biglang tawag nito sakanya.

"P-po?"

"What is your name?"

"Celeste," aniya habang nakayuko ang ulo at iniiwasan ang malamig nitong tingin.

"Celeste? From now on, you'll be one of our servants. Ayaw namin ng lampa lampa. Naiintindihan mo?"

Tumango siya.

"Okay. Good. Manang, ihatid siya sa kanyang sariling kwarto at siguraduhin na alam niya ang lahat ng patakaran sa bahay na ito. Alam mo na ang mangyayari sa iyo sa oras na may ginawa siya na hindi ko magustuhan."

Para namang takot na takot at tumango at agad na tumalima sa utos nito.

Dinala naman siya ng matanda sa kwarto niya, nasa itaas ito. Laking gulat niya na nung pagbukas ng kwarto ay bumungad sa kanya ang napakalaking kama at ang mga mamahaling gamit. Masyadong malaki para sakanya ito.

Pinaupo naman siya ng matanda sa kama nang akmang lalapitan niya at hahawakan ang mga nakasabit na painting sa dingding.

"Makinig kang mabuti, Celeste. Binalaan na kita nung una palang pero hindi ka nakinig sa akin at hinayaan mo ang sarili mong makita ng Senyor. "

"Uuwi naman po talaga ako nung nakita mo ako. At isa pa kailangan na kailangan ko po ng pera."

Bumuntong hininga ang matanda. "Kung ganun ay dapat mong malaman na hindi ka na pwedeng umalis sa trabaho na ito. Habang buhay na ang panibilbihan mo
dito at kapag nahuli ka ng isa sakanila o kapag nahuli kitang tumakas at sumuway sa patakaran ikaw ay papatayin. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"O-opo" napipilitan niyang sabi.

Gustuhin man niyang magbigay ng reaksyon sa narinig niyang habang buhay na paninilbihan ay hindi niya ginawa sapagkat alam niyang wala na talaga siyang kawala sa mga ito.

"Dapat mo rin malaman na kahit ano man ang marinig, makita o masaksihan mo sa loob ng bahay na ito ay mananatili lang ito dito. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasabi ng mga nalalaman mo patungkol sakanila sa ibang tao o nilalang."

"O-okay po."

Nagpatuloy ang pagpapaliwanag ng matanda patungkol sa iba pang mga patakaran. Tumagal ata ito ng dalawang oras. Nang mga sandaling iyon doon niya napagtanto na masyado palang mahihigpit ang mga amo niya. Kahit na simple lang ang trabaho niya, ito ay ang maghatid ng mga kakailanganin ng mga apo ng namamahala sa buong Parallelo.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon