Kabanata 7

1.5K 54 0
                                    


Kabanata 7

"They are getting on my nerves, Elliot. I swear, kapag nahuli ko sila hinding hindi ko sila bubuhayin pa. Wala na akong pake kahit mga kauri ko pa sila." Evren gritted his teeth. Kausap niya ang pinsan sa kabilang telepono. Bigla niyang natanggap ang tawag nito nang malaman ang nanyari.

"It was a woman who tried to kill you, right? Damn, those motherfuckers have been wanting to kill you."

"Kahit pa anong pagtatangka nila sa akin hindi nila ako mapapatay."

"Still, you have to be careful.  Hindi natin alam ang plano nila lalo na't isang taon rin silang nanahimik. They must be planning something big."

"I know."

"Just tell me what she looks like for I am sure bubuhayin siya ng mga kasamahan niya at babalikan ka."

Evren heaved a deep sigh. Muntik na siyang maisahan nung isa sa limang babaeng nidala niya sa bahay. Good thing, he saw the mark on her neck. Pinatay niya agad ito kasama pa ang ibang babae pero ang ipinagtataka niya ay bigla nalang nawala ang bangkay nito.

Someone must've entered their home without him knowing. Alam na alam niya ang amoy dugo ng mga ordinaryong bampira kahit malayo pa ito. At kailangan niyang malaman kung bakit tila hindi niya ito napansin o naamoy agad.

Iniisip niya something might have blocked him from sensing them. This is quite something new to him. Ngayon lang din ito nangyari sakanya.

"Evren? Are you still there?"

"She has fangs tattooed on her neck, hazel brown eyes, black hair, and a scar on her shoulder. I'm pretty sure nakasagupa na rin natin yun noon."

May kung ano pang sinabi ang pinsan niya sa kabilang linya nang may marinig siyang tunog mula sa kwartong nasa gilid niya.

"Ma...ma..."

His forehead creased. Pinakinggan pa niyang mabuti ito pero wala na siyang ibang narinig pa tila ba alam nitong nakikinig siya.

"Evren? What's happening? "

"Nothing. I think I just heard something. Anyway, I'm gonna end this call now. Kailangan ko pang imbestigahan ang pangyayaring panghihimasok ng mga kalaban natin dito sa Parallelo."

"Should I tell Papa about this?"

"No. I'll take care of this mess myself."

"Kasama mo a---"

Ibinaba niya agad ang tawag at pinuntahan ang kwarto ni Celeste. Hindi na siya kumatok pa diretso siyang pumasok at pinakiramdaman ang buong  sulok ng kwarto. Subalit wala siyang naramdamang kakaiba.

"Did I hear that right?" He asked himself.

Tatalikod na sana siya nang bigla namang umagaw ng kanyang pansin ang isang bote sa may gilid ng kama. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito ngunit natigil rin nang marinig niya ang pagbukas naman bigla ng pintuan.

"Senyor? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ng dalagang si Celeste sakanya na para bang takot na takot na makita siyang nasa kwarto siya nito.

Is she hiding something from me? Tumikhim siya at pinatili ang seryosong ekspresyon sa mukha. Nang sandaling tignan niya ang pagmumukha ng dalaga may isang boses naman siyang narinig sa isipan.

"E-evren?"  It was from a familiar voice.

"May ipag-uutos po ba kayo sa akin?" malumanay nitong tanong sakanya at tila naman may kung ano itong kakaibang dala sa sistema niya.

Hindi niya maiwasang titigan ang maamo nitong mukha. Hindi niya rin maiwasan na mag-isip kung bakit napadpad ito sa Parallelo. Habang tumatagal ay animo'y nakaramdam siya ng awa para dito sa di malamang dahilan.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon