Kabanata 11

1.4K 42 0
                                    

Kabanata 11

"You know what will be the consequence. You are not thinking when you gave your blood to her, Evren," Boses iyon ng Señora na narinig ni Celeste habang nakapikit. Mas pinili niyang pakinggan na muna ang mga ito.

"I am. If she I didn't do it, she could've been dead by now."

"Since when did you care for her?"

"Care? Who said I cared for her? She's just a mere human."

Para bang mayroong kirot ang puso niya nang marinig ang sinabi nito. What was she expecting?

"Isa pa, that wasn't free after all. I fully own her now. Ako ang pagsisilbihan niya hanggang sa kamatayan niya at kahit magtangka pa siyang tumakas ay mahahanap at mahahanap ko rin siya. Dahil ang dugo ko ay nananalatay ngayon sa katawan niya."

Bakit kaya tila bagay lang ang turing ng mga ito sakanya? Dahil ba isa itong dugong bughaw at iginagalang ng mga kauri nito? Pakiramdam niya ay nagsisisi na siya kung bakit hindi siya nakinig agad sa kaibigan niyang si Flora.

"You're unbelievable." Iyon ang huling narinig niya mula sa Señora bago ito umalis.

Binalot naman ng katahimikan ang buong paligid at nanatili pa rin siyang nakapikit.

"I know, you're awake," rinig niyang wika ng Senyor sa may tenga niya.

Awtomatikong idinilat niya ang kanyang mga at nahihiyang napabangon. Hindi siya makatingin ng diretso dito.

"Siguro naman hindi ba narinig mo ang sinabi ko? Simula ngayon hindi ka pwedeng lumabas na wala ako at pinagbabawalan na rin kitang makipagkita kay Arzhen. Maliwanag ba?"

Tumango siya. Nagulat siya ng bigla siya nitong buhatin at nakita naman iyon ng mga kasamahan niya. Nag-iwas siya ng tingin nang nagkatinginan sila ni Fiona at inilabas nito ang pangil na para bang tinatakot na naman siya nito.

"S-senyor... Kaya ko pong maglakad," aniya sa mahinang boses at ipinulupot ang braso sa leeg nito.

Hindi siya nito pinakinggan at dire-diretsong ipinasok siya sa kwarto nito.

"You'll be staying in my room until you recover."

"Maayos na po ang kalagayan ko---" Natigil siya sa pagsasalita nang mapansin na inilapit na pala nito ang mukha nito sa kanya.

"Didn't you hear me? Gusto mo talaga ng paulit ulit?"

"Pasensya na, Evren."

"Tsk."

"Don't you dare leave this room until I say so. Magpapadala ako ng mga kakailanganin mo dito."

Parang bula ay nawala nalang bigla ito sa paningin niya tanging nakita nalang niya ay ang pagsarado ng pintuan.

Nahiga na lamang si Celeste sa kama habang nakabuka ang mga kamay at bumuntong hininga. Hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ng Senyor gayung malinaw naman nitong sinabi na isa lang siyang hamak na tao.

Malaki naman ang pagpapasalamat niya dito na tinulungan siya nito at pamilya nito na maghilom ang sugat niya. Subalit mas lalo siyang nag-aalala lalo na't may rason na naman na tumindi ang galit ni Fiona at mga kaibigan nito. Base sa tingin na ipinukol nito sa kanya tiyak na may pinaplano na naman ito.

----

Sa sumunod na mga araw naroon pa rin siya sa kwarto ng Senyor. Tatlong araw na itong hindi umuuwi kasama na ang dalawang pinsan nito habang si Don Fuego naman ay sa gabi lang umuuwi dahil abala raw umano ito sa negosyo.

Tanging sila na lamang ang natira sa bahay at siya nama'y pinagsisilbihan nila na animo'y isa rin siya sa mga dugong bughaw. Utos iyon ni Evren kina Manang Teresa kahit pa na hindi niya gusto ito. Ang totoo ay nahihiya siya sa tuwing dinadalhan siya ng mga pagkain at hinahatidan ng mga gamit na pangangailangan niya pero wala naman siyang magagawa.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon