Kabanata 29

955 19 2
                                    


Kabanata 29

Umaga iyon, hindi maalis ang atensyon ni Celeste sa dalawang naglulumpungan sa sopa. Kakagaling lang ng dalawa sa kwarto at isang linggo namang pabalik balik si Delancy sa mansyon. Sa kadahilanang nagpaplano ang dalawa sa kasalang magaganap.

Para bang sinadya rin ng mga ito na ipinarinig sakanya ang mga plano. Umakto si Celeste na walang pakialam sa mga naririnig niya kahit pa sa loob loob niya ay durog na durog na siya.

"You shouldn't be here." Naiiling na wika ni Luna nang makita siya nito.

"Hindi ba't masama ang pakiramdam mo?"

Tama ito. Masamang masama nga ang pakiramdam niya at may mataas siyang lagnat. Ngunit hindi niya kakayanin na hindi masilayan ang mukha ng binata kahit sa malayo. Gusto niya din itong makausap at marinig ang eksplanasyon nito.

Iniisip niya na baka may mahalaga itong rason at hindi talaga nito papakasalan ang babae. Desperada na kung desperada ngunit hindi niya palalagpasin na hindi malaman ang rason sa pagtataksil nito.

"Kaya ko pa naman."

"KAYA?" Pinanliitan siya nito ng mga mata at hinila papalayo malapit sa may silid aklatan.

"You're weak, Celeste. Ilang beses ka nang nagsuka. Namumutla ka na rin at nangangayayat. Palagi ko rin napapansin..."

Nahihiyang iniwas niya ang tingin sa dalaga nang mapagtanto niya ang ibig nitong sabihin.

"Na lagi kang umiiyak at lagi mong pinagmamasdan ang dalawa. I can see that you're hurting."

Napahilot ito ng sentido. "Magtapat ka nga sa akin. May relasyon ba kayo ng Senyor?"

"O-oo."

"Jusko, Celeste! You knew from the start na my fiance siya at ikakasal sa ibang babae pero bakit ka pumayag?"

"Ohmyghad!"

Isang malakas na sigaw ang nagpatigil sakanila. Aksidenteng natapon pala ng Senyor ang baso. Nagkalat ang mga bubog sa sahig nang puntahan nila ito ni Luna.

"Babe, are you hurt?" May pag-aalalang wika ni Delancy kay Evren. Nasa kandungan ito ng binata at bahagyang nakalabas ang malulusog na dibdib.

"You clean this mess and do not just stand there."

"M-masusunod, Senyor."

Nagmumukha siyang katawa tawa at kaawa awa sa harapan ng mga ito. Hinang hina ang katawan niya at nararamdaman niyang unti unti napapapikit ang kanyang mga mata.

"Evren, kiss me." She heard Delancy beg to him.

Marahas nitong hinalikan ang dalaga kahit pa alam nito na naroon siya sa harap at malapit na malapit sakanila.

She heard him moan like he were enjoying their kiss. Hindi pa ito nakuntento ay pumaibabaw ito sa babae habang ang mga kamay ay naglalakbay sa dibdib nito. It was too much for Celeste.

She couldn't lift her head, for she was so scared of what she would witness the moment she swiveled her head in their direction.

"Celeste, yung kamay mo!"

"Fuck" naibulong nalang niya.

Walang sinayang na oras si Luna. Agad nitong tinakpan ang sugatan niyang palad. Pinanood niya lang ito habang naupo nang tuluyan sa sahig.

Iniwas naman ni Evren ang tingin kay Celeste at binalingan si Delancy na mataman na nakatingin sakanya. Tila ba binabasa nito ang ekspresyon niya sa mukha.

Naawa siya sa dalaga pero ayaw niyang lapitan ito o hawakan lalo na sa harapan ni Delancy.

"Celeste, what happened?" Arzhen queried. Kakagaling lang nito sa opisina ni Don Fuego at nag-alala ng lubos nung marinig niya ang pagkabasag ng baso.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon