Kabanata 14

1.2K 37 1
                                    

Kabanata 14

"Danger."

Napakunot ang noo ni Celeste at napalingon lingon sa paligid niya nang may marinig na naman na isang bulong.

Binabalaan ba siya nito? Samantala, napatigil naman sa pagsasalita si Arzhen at nagtatakang napatingin sakanya.

Kusa nalang nanginig ang mga tuhod ni Celeste sa di malamang dahilan. Bigla bigla nalang din siyang nakaramdam ng kaba. Napahawak siya sa kanyang dibdib at ilang beses na humugot ng isang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

"Anong nangyayari?"

Nanlaki ang kanyang mga mata niya nang pagbaling niya dito ay may isang babaeng bampira sa likuran nito.

"Arzhen!" malakas niyang sigaw pero huli na dahil tinamaan na si Arzhen ng malaking bato na inihampas ng babaeng bampira sa ulo nito.

Napaatras siya nang siya naman ang balingan ng babae saka nito inilabas  ang matulis na pangil at mahabang dila habang naglalaway na nakatingin sakanya na para bang isa siyang pagkain.

Napansin niya ang tattoo nito sa leeg. Kung hindi siya nagkakamali isa ito sa mga babaeng dinala ng Senyor sa bahay nito. Marahil siya iyong sinasabi nito na nawawala na isang bangkay. Papaanong nabuhay itong muli?

Ngumisi ang babae at dahan dahang humakbang papalapit sakanya habang ang mga kamay nito ay nasa likuran.

"We meet again, Celeste."

"Diyan ka lang! Huwag kang lalapit!" Pasimple niyang binalingan si Arzhen. Nanlulumong napatingin siya dito nung mapagtanto niyang wala itong malay ngayon.

Naghanap siya ng matulis na bagay panlaban sana sa babae subalit wala siyang makita. Tiyak na wala na siyang pagkakataon na mabuhay pa.

"Paano kung ayoko? Simple lang naman ang gusto ko, Celeste. "

"A-ano?"

"Ikaw." Natawa ito nang malakas nang mapansin nito ang labis na panginginig niya sa takot.

"Nananalatay sa iyong dugo ang dugong bughaw na siyang makakapagbigay sa akin ng lakas para matalo ko si Evren."

"H-hindi ako papayag na saktan mo ako."

"Huwag kang matakot sa akin. Ipapangako ko sayo sisiguraduhin kong hindi ka makakaramdam ng anumang sakit."

"Sinungaling!"

Binato niya ito nang bato sa mukha na siyang dahilan kung bakit ito nagkasugat sa may pisngi nito. Kagat labing pinunasan nito ang dugo sa pisngi at binigyan siya ng matalim na tingin.

Shit. Mabilis siyang tumakbo papalayo pero sa kasamaang palad nawalan siya ng balanse at nadapa sa lupa.

Hinawakan naman nito ang buhok niya nang marahas. Napasigaw siya nang malakas at umalingawngaw naman ito sa buong lugar.

"Tama na! Tama na!" Pagmamakaawa niya dito nang bumaon nito ang matulis nitong kuko sa kanyang leeg. Tumulo ang kanyang luha at unti unting nanghina.

"Hindi pa ako tapos sayo. Nagsisimula palang ako."

Akmang sisipsipin na nito ang dugo niya nang hindi niya inaasahan ay lumitaw si Evren sa paningin niya at kinagat ang babae sa may leeg nito nang marahas. Nakita niya kung paano nangisay ang babae sa pagkakagat ni Evren dito habang ang mga mata  naman nito ay nasa kanya na gulat na gulat sa nasaksihan.

Umawang ang labi niya. Hindi niya inakala na  muli niyang masisilayan ang Senyor at sa ganito pa talagang paraan. Halos hindi na niya ito makilala dahil punong puno na ng dugo ang bibig nito.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon