Special Chapter

1.8K 55 14
                                    


Special Chapter

Nasa may kwarto si Evren umiinom ng alak at walang saplot sa katawan. Hindi pa naman siya lasing. Madalas siyang napapagalitan ni Ezra sa nakagawian niyang pag-inom. Halos buong araw nga siya nitong binungangaan. 

Rinig na rinig niya ang ingay sa labas, ingay ng mga maliliit na bata. Nang sandaling iyon hindi naman niya maiwasan na mapaisip kay Cadmus. Napangiti siya nang mapait nang sumagi rin sa isipan niya ang imahe ni Celeste. Isang buwan na ang nakakalipas simula nung pangyayaring iyon.

Naging maayos naman ang lahat. Naliwanagan na rin siya sa plano ng kanyang Papa. Nalaman niya na nagbago pala ang isip nito na patayin ang bata nung gabing unang dinala niya ito sa bahay dahil naawa ito lalo na't si Cadmus, ang unang apo ni Don Fuego. Naalala din kasi ni Don Fuego ang sarili sa bata. Pero dahil narinig ni Arzhen ang pag-uusap nila inakala rin naman nito na hahayaan na lamang niyang mamatay ang bata kaya nito nagawang nakawin si Cadmus.  Naiintindihan naman niya ito. Muli silang nagkabati nung binisita siya nito nitong mga nakaraang araw. 

Marami naman ang humingi ng tawad sakanya lalong lalo na sa mga bampirang naniwala sa pekeng propesiya at nagpauto sa kanyang ina. Hindi pa niya napapatawad ang mga ito. Sa tingin nga niya ay hindi kailanman niya ito mapapatawad. 

Natigil siya sa pag-inom nang marinig niyang kinatok siya ni Luna. Ani nito ay pinapababa na siya ni Ezra. Ayaw niya sana pero nung marinig ang galit na sigaw ng buntis na pinsan ay wala siyang nagawa kundi ay magbihis at bumaba na nga. Naabutan niyang naglalaro ang dalawang kambal na bata babae at lalaki sa sala. Mga anak ito ni Artemis na dinala nito sa bahay para raw ay maibsan ang lungkot at pangungulila niya sa anak. 

Nag-unahan ang mga ito na magpakarga nung makita siya. Naiiling na kinarga niya ang dalawa at pumunta sa hapag-kainan. Tinaasan siya ni Ezra  ng kilay habang nakahawak sa bilog nitong tiyan.

"Mabuti naman at may balak ka pala talagang samahan kami sa pagcecelebrate sa pagbubuntis ko."

Napailing si Lonan na ngayon ay nakasuot ng pambabaeng damit, halatang pinilit lang ni Ezra. Si Elliot naman nasa isang gilid nakangising nakatanaw kay Luna nang palihim. Tsk. Isa rin palang marupok ang isang toh. Ilang beses nang isinumpa ni Elliot sakanya na hindi ito mahuhulog sa babaeng mangkukulam at tinukso pa siya nito sa ginawa niyang pagpatol kay Celeste na isang tao. Pero kinain lang nito ang sinabi.

"Eto na nga di ba? Nakababa na."

"Uminom ka na naman ba? Hindi ba't sinabi ko na sayo na itigil mo na ang pag-iinom ng alak?" hirit na naman nito.

"You should try it. It tastes good. Titigil rin naman ako hindi nga lang sa ngayon."

Nanliit ang mga mata nito. "I'm pregnant! Sinasabi ko na sayo kung nandirito lang si Celeste ay tiyak na hindi ka niya magugustuhan na makita na ganito."

"What do you mean?"

"Ilang araw ka nang wala sa sarili mo. Ni hindi ka namin makausap at hindi ka kumakain nang maayos. Pumapayat ka na nga. Gosh--Why am I crying?" ani nito at pinunasan ang mga luhang kumuwala. Agad naman itong pinakalma ni Lonan pero itinulak lang nito ang asawa at pinagbantaan na hahatiin nito ang itlog nito kapag hahawakan pa siya nito.

"You expect me to be happy after what happened? I was traumatized seeing my son and the love of my life die in front of me." Ibinaba niya ang mga bata at ginulo ang buhok.

"I probably should be back to my room. I don't wanna stress you because you're pregnant."

Natahimik ang lahat sa iwinika niya at pinanood na lamang siyang pumasok muli sa kanyang kwarto. Pagod na pagod siyang napahiga sa kama at wala sa sariling napapatitig sa kisame. He misses her so much. Kung naroon lang ito sa mga oras na iyon ay yayakapin niya ito nang mahigpit at hindi papakawalan. It has been hard for him. Halos gabi gabi siyang binabangungot  sa nangyari at wala ni isang araw na hindi niya sinisi ang sarili. 

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon