Kabanata 5

1.5K 49 4
                                    

Kabanata 5

Hinintay na muna ni Celeste na lumalim ang gabi saka naman siya lumabas muli sa kanyang kwarto. Paglabas niya sa sala ay halos wala na siyang makita, naka-off ang lahat ng ilaw. Kung kaya't bumalik siyang muli sa kwarto niya at kumuha ng flashlight.

Maingat na maingat siyang bumaba sa may hagdanan nang hindi makagawa ng kung ano mang ingay. Nasa may sala na siya nung may maramdaman naman siyang may kakaibang presensya sa kanyang likuran ngunit paglingon ay wala namang naroon. Inilibot niya ang tingin sa paligid para makasiguro.

At nung wala nga siyang makita ay napahawak siya sa kanyang dibdib at nailing. Dala na siguro iyon ng pagkatakot niya.

Inabot siya ng sampung minuto bago nakalabas. Sa laki ba naman ng lugar hindi niya maiwasan na maligaw. Mabuti na lamang at nakita niya ang pintuang pinasukan niya kanina. Tumakbo siya papunta sa may gate at sinakyan ang bisikleta na iniwan niya kanina. Walang lingon lingon siyang umalis papalayo sa bahay.

Agad naman niyang nakita ang bata sa kwarto at gaya ng kanyang inaasahan ay gutom na gutom ito. Nagkalat na naman ang lahat ng mga sira sirang gamit.

Napabuntong hininga siya at nilapitan ito. "Ikaw talaga sana man lang hinintay mo ako," naiiling niyang wika at naupo sa kanyang kama.

Inosente lang siya nitong tinignan habang nakasubo na ang daliri niya sa bibig nito. Mukhang dapat ay makahanap agad siya ng dugo ng hayup kung hindi mauubusan siya ng dugo.

"Alam mo ilang araw na akong hindi makaisip kung anong ipapangalan ko sayo." Hinaplos niya ang mukha nito at pabirong pinanggigilan ang matambok nitong pisngi.

"Gusto sana kitang tawaging Cadmus kaso baka di bagay sayo," wika niya sa isipan.

"Ano kaya ang gusto mong pangalan?"

"Cad...mus" sagot naman nito na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya at muling isinubo ang daliri.

Did he just read her mind? Bahagyang nagulat si Celeste at namangha.

"Cadmus? Is that your name or you heard me say it in my mind?"

"N-no."

"No? Pinagloloko mo ba ako?"

Hindi siya nito sinagot bagkus ay kinagat siya nito nang may panggigigil.

"Aray ko naman. Ikaw na bata ka masyadong mainitin ang ulo mo. Nagtatanong lang eh."

"No," muli na namang sabi nito.

"Sino kaya ang mga magulang mo at minana mo ata ang pagiging mainitin ng ulo ng isa sa kanila."

Muli na namang diniin ni Cadmus ang pangil sa daliri nito na siyang ikinangiwi na naman ni Celeste sa sakit.

"Cadmus!"

Bahagya itong natawa. Iyon naman ang unang beses na narinig ni Celeste na tumawa ito at hindi niya napigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito. Haynaku. May pagkapilyo rin pala ang isang toh.

Animo'y natunaw na lamang ang pagod at sakit na naramdaman niya nang marinig ang bungisngis nito. Parang natatakot na tuloy siya na dadating ang panahon na kukuhanin rin ito ng mga magulang mula sakanya. Parang hindi niya kakayanin dahil sa loob ng maikling panahon na nakasama niya ito ay napamahal na siya sa bata.

Matapos bitawan ni Cadmus ang daliri niya ay humilig ito sa dibdib niya. Samantala, inihilig naman ni Celeste ang ulo niya sa headboard ng kama hanggang sa hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya habang yakap yakap ito.

Ang tulog naman na iyon ay naputol nung madaling araw nang may marinig si Celeste na kaluskos sa may sala. Naramdaman niya ang pagkagat ng bata sa kanyang braso na para bang sinasabi nito na may nakapasok sa bahay nila.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon