Kabanata 39

1.3K 28 1
                                    


Kabanata 39

"Why isn't her power showing up? Akala ko ba may kapangyarihan siyang taglay? Sigurado ka ba sa nakita mo, Evan---I mean Artemis?" Himutok ng Señora.

Kanina pa nakahiga si Celeste sa isang mahabang mesa, nakapikit at pinakiramdamang mabuti ang paligid. Habang si Luna naman ay may kung anong binabasa sa maliit na libro nitong pagmamay-ari.

Kanina pa din nila sinusubukan na palabasin ang kapangyarihan niya ngunit walang nangyayari.

"Sigurado ako, Señora. Nakita ng mga mata ko mismo ang pagliwanag ng kanyang mga mata at naramdaman ko ang kapangyarihan niyang taglay."

"Subalit paanong isang Huro ang nakapagbigay sakanya ng kapangyarihan? Matagal na matagal nang panahon na nabura ang kanilang mga uri."

"Diyan ka nagkakamali. May isang Huro ang natira sa digmaan. Nanirahan ito sa mundo ng mga tao ngunit namatay rin ito."

Bumangon si Celeste mula sa pagkakahiga. May kung anong ipinahid naman sa balat niya si Luna at tinitignan siya nito ng diretso sa mga mata. Natahimik ang lahat nang mga sandaling iyon.

Ilang segundo ang lumipas ay nakaramdam si Celeste ng kakaiba sa kanyang katawan. Para bang mayroong gustong kumawala sa kanyang loob niya. Bigla siyang nanghina nang hawakan ni Luna ang kanyang kamay. Nagsimula na rin sumakit muli ang kanyang ulo.

"Hayaan mong lumabas ang kapangyarihan mo, Celeste."

Tuluyan na siyang natumba sa sahig. "Masakit ang ulo ko."

"Anong nangyayari, Luna?"

"May kung anong kulang sa kanyang memorya, Señora na siyang dahilan kung bakit tila hindi lumalabas ang kanyang kapangyarihan."

Kulang? Ano naman kaya ang memoryang iyon?

Mula sa gawing kanan ay lumitaw si Elliot. Nakaayos na ito at mayroong mantsa ng dugo sa kanyang damit. Animo'y kagagaling lang nito sa pakikipag-way sa labas.

Lumapit ito kay Celeste at hinila papatayo. Naalerto naman si Luna at pinigilan ang Senyor. Binigyan niya ito ng masamang tingin at hinila pabalik si Celeste.

"Anong binabalak mo?"

"She needs to go now. Evren will kill the child in front of everyone right before the wedding."

"Hindi pa lumalabas ang kapangyarihan niya at hindi niya alam kung paano ito gagamitin. Wala siyang kalaban laban sa mga kauri mo."

"But she needs to save him before it's too late."

"Kung ganun paano kung mamamatay siya? Nag-iisip ka ba?"

"Sundin mo ang utos ko ngayon, Celeste. Come with me." Pambabalewala nito sa sinabi ni Luna.

"Elliot! She's just gonna die. Masasaksihan lang niya ang pagkamatay ng bata."

"Who's that?" Naguguluhang tanong ng Señora nang makarinig sila ng malalakas na kalabog sa ibaba.

"They are here to catch, Celeste."

"What? Paano nila tayo natunton?"

"I told them."

Napasinghap si Celeste sa narinig. "A-ano?"

"Baliw ka na!"

Umigting ang panga nito at pinigilan ang kamay ni Luna na akmang dadapo na sana sa pisngi nito.

"We can't do anything now. Hayaan natin nilang makuha si Celeste."

Ilang segundo ang lumipas ay pinalibutan na sila ng halos sampung mga bampira. Tanging pagsigaw at paghingi nalang ng tulong ang nagawa ni Celeste nang sapilitan siya nitong kinuha at tinakpan ang buong mukha.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon