Kabanata 31

1K 26 2
                                    


Kabanata 31

Nung isang hapon ay bumungad na kay Celeste si Arzhen hawak hawak si Cadmus na nag-anyong pusa na naman. Nasa sala ito at kausap si Don Fuego kasama na ang ibang pinsan na walang ibang ginawa kundi ay manigas at tumahimik na lamang sa kanilang pwesto.

Nang makita nito si Celeste ay pumaskil ang ngiti nito sa labi at masayang hinawakan ang kamay ng dalaga. Yumakap pa ito at bumeso na siya namang ikinainis ni Evren ng palihim.

Nahihiyang tinanguhan lang ito ni Celeste at ipinagpatuloy ang paglapag ng mga inumin sa harap ng mga ito.

"Gusto mo ba sumama sa akin mamaya?"

"May trabaho po ako, Senyor," ani ng dalaga.

"I already asked permission. Huwag kang mag-alala pumayag si naman si Don Fuego."

"Talaga?"

"Yet you haven't asked for my permission," sabat ni Evren, nakataas na ang kilay nito sa dalawa.

"That doesn't matter, Evren."

"It does matter because she is my weakness. If something happens to her, it weakens my power. Remember, I gave her my blood to save her life."

Iniyuko ni Celeste ang ulo nang hindi magtama ang paningin nila ng binata na matamang nakatingin sa kanya.

"As long as she's with me, she is safe."

He scoffed. "As far as I remember you're always with her when she's in danger."

"Evren, diyan lang naman sila sa hardin natin at hindi sa labas ng gate. Let them be." Hindi na napigilang wika ni Don Fuego.

"Besides, I'm courting her, Evren. Siguro naman hindi rin mo ipagbabawal hindi ba?"

Napakurap si Celeste ngunit hindi siya nagsalita.

Evren's lips pursed. Handang handa na niyang ipalipad ang kamao niya kung wala lang sana doon si Don Fuego. Ang mas nakakapagpainis pa sakanya ay ni wala man lang siyang nakuhang reaksyon sa dalaga. Was he really right all along? May gusto talaga ito kay Arzhen. Fuck it. Mukhang maiiba na naman ang plano niya.

"I won't," aniya at mabilis na dumiretso sa kanyang kwarto. Pinagbuntungan niya ng kanyang galit ang punching bag na dinala ni Elliot para sakanya kahapon.

Iginiya ni Arzhen si Celeste sa labas. Nakahawak ang dalaga sa malaki nitong braso at nilibot nila ang malaking hardin.

Hindi makatingin si Celeste dito nang diretso. Tahimik lang silang dalawa nung una na para bang gusto lang nito ng may makasama ito sa paglilibot. Hindi na niya mabilang kung ilang minuto o oras ang lumipas sa paglilibot nila sa buong hardin.

Nang matapos ay naupo sila sa ilalim ng malaking puno at hinayaan si Cadmus na tumakbo habang hinahabol naman nito ang paru-paro sa paligid. Mula naman sa di kalayuan ay nakatingin sakanila si Don Fuego sa bintana sa opisina nito.

"Evan..."pagtawag niya sa isang lalaking nasa kanyang likuran at abala sa paglalantak sa pagkaing nasa sahig.

"Keep an eye on her."

"Masusunod, Don Fuego."

Agad nitong nilisan ang opisina. Tinapon ni Don Fuego ang sigarilyong hawak na may nakakalokong ngiti sa labi.

---

After couple of minutes finally Celeste decided to break the silence between her and Arzhen.

"You were just lying, right?" Pagtukoy niya sa sinabi nitong nililigawan siya nito. Arzhen could sense fear in her voice that he might actually mean it.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon