Kabanata 20

1.2K 30 4
                                    


Kabanata 20

Evren raked his hair in annoyance while eyeing Celeste, who was silently cleaning in the library. Nakatago siya sa isang sulok, nakatingin sa dalaga.

Isang oras na ang lumipas simula nang magbalik ito mula sa pag-uusap nila ni Arzhen. Alam naman niya na alam ng dalaga na naroon siya sa isang sulok dahil nakita niyang tila nag-aalinlangan pa ito kanina sa pagpasok.

Umakto itong walang pakialam at inabala ang sarili sa paglilinis. It was as if she was giving him a silent treatment. Argh. No way. Siya dapat ang magalit dito dahil nakipag-usap pa rin ito kay Arzhen kahit hindi niya gusto.

"Celeste..." Lumapit siya sa dalaga ngunit nagbingi-bingihan lang ito at hindi siya nilingon.

"I told you to stay away from him," his face softened when she finally looked at him.

"Mhmm?" Bumalik na naman ito sa ginagawa.

"I told you..." Hinuli niya ang kamay nito at mariin na tinignan.

"I'm courting you. So, stay away from that man."

Kinalma ni Celeste ang sarili. Muli niyang itinigil ang ginagawa at hinarap ang binata.

"Magkaibigan kami ni Arzhen. Yun lang. Normal lang sa magkakaibigan na mag-usap. Isa pa ayokong layuan siya dahil ayaw kong isipin niya na wala akong utang na loob sa pagligtas niya sa akin." Nagsusumamo ang mga mata niya.

"Fine." Sumusukong wika nito nang mapansin na hindi nito magagawang mailayo siya kay Arzhen.

He became too soft towards her, which is not usual. This girl knows how to control him. Is it because of that damn connection they have with each other? Bullshit.

Evren then stormed out of  the room without saying any word. Akala ni Celeste ay nagalit niya ito nang husto at titigilan na nito ang panliligaw kuno.

Dalawang pung minuto ang lumipas ay sinundo naman siya ni Manang Teresa. Ani nito ay pinapaakyat siya sa itaas ni Evren sa kwarto nito dahil may mahalaga raw itong ipag-uutos sakanya.

Bago siya umakyat sa itaas at itigil ang ginagawa ay binalaan naman siya ni Manang na mag-ingat at baka magwala na naman daw ito. Tumango tango lang siya sa iba pang habilin nito sakanya.

Napahawak na siya sa doorknob nang mapalingon naman siya sa gawi ni Luna na papalapit sa kanyang direksyon. Nginitian niya ito subalit nanatiling blanko ang mukha nito at hinawakan siya sa braso. Tinitigan nitong mabuti ang mukha niya at bahagyang kumunot ang noo.

"You're hiding something..." biglang sabi nito. Binitawan nito ang braso niya.

Hindi siya nakaimik agad.

"Tama ba ako?"

"H-hindi. Wala naman akong tinatago at isa pa bakit naman ako may itatago?"

"You're trembling..." dumapo ang tingin nito sa nanginginig niyang mga kamay.

"Papasok na ako sa loob," mabilis nalang niyang sabi.

Tinapik tapik niya ang dibdib niya para pakalmahin ang sarili. Jusko. Ano bang kapangyarihan ng babaeng iyon at isang hawak lang sa braso at tingin sakanya ay nalaman na nitong may tinatago siya.

Samantala natigil naman siya sa pag-iisip patungkol kay Luna nang mapansin niya ang nagkalat na mga talulot sa sahig. Agad niyang pinulot ito isa isa. Nakita naman niya ang pagtigil ng  dalawang pares ng paa sa kanyang harapan.

"Why are you removing the petals I put on the floor?"

Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin dito. "Sabi kasi ni Manang Teresa pinapaakyat mo raw ako dahil may ipag-uutos ka sa akin. Kaya inisip ko na papalinisan mo itong kwarto mo."

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon