Kabanata 13

1.3K 38 2
                                    


Kabanata 13

Sa di inaasahan naging malapit sina Celeste at Arzhen. Parati niya itong nakakasama dahil ito mismo ang nagtatakas sakanya sa bahay sa tuwing wala ang mga amo niya o di naman ay sa tuwing tapos na siya sa trabaho. Paminsan minsan isinasama nila si Cadmus sa labas at agad rin naman nila itong ibinabalik sa bahay.

Gusto kasi ni Celeste na iparamdam sa bata kahit papaano ang buhay sa labas nang hindi ito masanay na nakakulong lamang sa kwarto at naglalaro mag-isa.

Isang buwan na rin naman ang nakakalipas simula nung huli niyang makita si Evren. Wala na siyang balita dito pa dahil wala na mismo ni isa sa mga pinsan nito ang bumanggit sa pangalan ng binata. Sa tagal naman ng panahon na nawala ito ay walang araw na hindi ito naiisip ni Celeste.

Mayroong parte sakanya na nag-aalala para sa Senyor at mayroon rin na parte sakanya niya na sinisisi ang sarili. Kung naging maingat lang sana siya ay hindi mapipilitan ang Senyor na bigyan siya dugo nito at hindi sana ito wala ngayon.

Nahihiya siya lalo na't simula nung mawala si Evren sa mansion ay tila mas nawalan ng gana ang Señora. Ni ayaw nga nito kumain, palaging mainit ang ulo, walang araw na hindi ito nagwawala. Mabuti na lamang at naroon sa mansion ang asawa nitong si Lonan at ito ang nagpapakalma sa Señora lalong lalo na kapag siya naman ang napagbubuntungan nito ng galit.

Sa kalagitnaan ng gabi habang nakapikit ang mga mata naramdaman ni Celeste na may kung anong humihila sa kumot niya. Dahan dahan ang paghila nito at ramdam na ramdam niya ang pagbaba ng kumot sa kanyang mga hita.

Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman niyang tila may humahalik mula sa kanyang hita patungo sa kanyang bandang tiyan. Papataas at papataas ang pagdampi ng mga halik patungo sa kanyang dibdib. May kakaibang dulot iyon sa sistema niya. Gusto niyang idilat ang mga mata pero hindi niya kaya para bang hirap na hirap siya at may nagpipigil sakanya.

Napahawak siya nang mahigpit sa bedsheet ng kanyang kama nang maramdaman niya ang tila hangin sa kanyang hita. Napaliyad siya nang may kung anong humaplos sa pagkababae niya at hindi napigilan ang sarili na mapaungol. Tinakpan niya ang kanyang bibig upang pigilan ang pagkawala nito at sinubukang manlaban subalit malakas ang puwersa nito kung kaya't wala siyang nagawa.

Hindi niya alam kung saan ipapaling ang ulo niya. Pakiramdam niya ay para na siyang mababaliw sa ginagawa nito sakanya. Hindi naman niya mawari kung anong klaseng nilalang ito dahil para lang itong nasa hangin at hindi niya nakikita.

"Tama na...tama na..."pikit matang pakiusap niya dito at pinagdikit ang mga binti.

Pagkasabi niya nun ay doon na lamang niya naidilat ang kanyang mga mata at napabangon. Habol habol niya ang kanyang hininga at niyakap ang sarili.

"Anong nangyayari sa akin at anong klaseng panaginip iyon?" Hindi niya mapigilang sambit at takot na takot na siya.

Para bang nangyari talaga ito dahil ramdam na ramdam niyang basang basa ang pagkababae niya.

Nang ilibot naman ang kanyang tingin nakita niyang nasa isang sulok si Cadmus at nakatingin sa kanya. Mayamaya pa ay nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang magsalita ito na para bang alam na alam nito ang iniisip niya.

"Not a dream, Mama."

Napakurap siya sa narinig. "H-hindi ako nananaginip at totoo yung pangyayari?"

Tinignan lang siya ng bata sabay pakita sa bago nitong laruan na sasakyan. Jusko. Kanino naman niya nakuha iyan?

Napalunok siya. "Who was here with, mama?"

"P-pa...pa..."

"A-ano?!"

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon