Kabanata 12

1.4K 42 0
                                    


Kabanata 12

Limang araw ang nakakalipas simula nung pangyayari. Naging maayos ang takbo ng pagtatrabaho ni Celeste sa mansion na hindi niya naman inaasahan . Naging mas maingat siya sa tuwing lalabas ng kwarto. Naging mailap naman ang Senyor sa kanilang lahat at parating may nilalakad. Siguro ay para ilibang ang sarili sa ibang bagay lalo na't kapag naroon siya sa paligid ay hindi nito napipigilan ang sarili.

Mayroon namang pagkakataon na ito na ang kusang lumalayo sa kanya kapag nasa labas siya at nagtatrabaho. At kung may ipag-uutos ito sa kanya o kay Manang Teresa ay nag-iiwan na lamang ito ng sulat sa mesa. Iniiwan lang din nila ang mga ipinakakausap ng Senyor sa labas ng kwarto nito. Subalit kahit medyo okay naman ang ganoong set up hindi pa rin maalis sa isipan ni Celeste ang pangamba. Lalo na't sa pagdaan ng mga araw ay napapansin naman niya ang pagiging madalas pagpunta ng ibang bampira sa labas ng gate ng bahay.

Nakatingin lang ang mga ito sa kanya sa malayo at may pagkakataon pa na inilalabas nito ang pangil at animo'y anumang oras na lalabas siya ay handa handa siyang atakihin ng mga ito. Marahil ay alam na nito ang pagiging konektado nila sa Senyor at ang pagiging kahinaan niya nito. Mukhang ito na nga ang sinasabi sa kanya ni Manang Teresa na siya ang tutugisin ng mga ito.

Palaisipan pa rin sakanya magpahanggang ngayon kung ano ang nasa propesiya at tila yata nagdudulot ito ng malaking gulo sa kani-kanilang lahat. Naisip niya na si Arzhen lamang ang bukod tanging makakasagot sa kanyang mga katanungan yun ay kung papayag itong sabihin sakanya ang mga kasagutang hinahanap niya.

Kumunot ang noo ni Celeste nang mapadaan siya sa kwarto ni Elliot na nasa baba. Rinig na rinig niya ang pagtatalo at pagsisigawan nito kasama ang Señora sa loob. May kung anong nagtulak sakanya na sumilip sa maliit na siwang ng pinto.

Nakita niya ang Señora nakatalikod kay Elliot na nakaupo sa kama habang si Lonan naman ay prenteng nakaupo sa isang maliit na sopa at nakikinig lang sa pagtatalo ng dalawa na para bang walang pake. Mukhang pinagtatalunan ng mga ito ang patungkol kay Evren.

"You could've stopped him! Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang siya sa gusto niyang gawin."

"I tried to stop him! Teka nga ikaw nasaan ka ba nung mga panahon na yun?"

Sandaling natahimik ang Señora at humugot ng isang malalim na hininga saka hinarap ang pinsan at inihagis ang mga maliliit na kutsilyo nitong dala sa direksyon nito.

"Hey!" Umiilag si Elliot sa mga nagsisiliparang kutsilyo pero hindi ito nakailag nung bigla siyang sipain ng Señora.

"What the fuck---Lonan control your wife for me!"

"Don't try to stop me! You're out of this. This is a family matter."

"Isn't he part of our family---Aww! Ezra! Huwag mo akong hintayin na labanan ka at baka ako naman ang hindi makapagkontrol sa sarili at masaktan kita. Pwede ba stop it! Hear me out, okay? Hindi ako naniniwala na kaya siya nawalan ng kontrol sa sarili ay dahil lang sa nagbigay siya ng dugo para iligtas si Celeste. There could be something else!"

Natigilan ang Señora sa narinig at naibaba ang kutsilyong hawak.

"W-what? What the hell are you talking about?"

Hindi na napakinggan ni Celeste ang sinabi ni Elliot nang mapansin niyang nakatingin na pala si Lonan sa direksyon niya. Dali dali siyang umalis habang dala dala ang mga damit niya na ipinapababa ni Manang Teresa.

Nakasalubang naman niya si Fiona kung kaya't lumihis siya ng daanan at patakbong lumabas saka nagtungo sa likod ng bahay.

Jusko. Sana naman hindi siya namukhaan ni Lonan.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon