Kabanata 16

1.3K 41 0
                                    

Kabanata 16

"Anong ngiti ngiti mo diyan?" Asik ni Manang Teresa.

Napaigtad si Celeste at nahihiyang naibaba ang kamay niyang nakahawak pala sa kanyang labi at tulala. Jusko naman.

"Kanina pa kita napapansin na naglilinis sa mesa. Hanggang kailan mo ba lilinisin iyan ha? Ang rami rami ng trabaho dito sa bahay."

"Sorry po."

"Gawin mo ang trabaho mo nang maayos! Sinasabi ko sayo ayaw na ayaw ng Señora ang makukupad dito."

Nahihiyang napayuko siya ng ulo. Ginulo niya ang buhok niya nang umalis na ito at naupo sa upuan.

Kasi naman eh! Hindi mawala wala sa isipan niya yung nangyari kagabi. Anak ng. Nakakahiya. Gusto nalang niyang lamunin ng lupa. Paano na ito ngayon wala na siyang mukhang maihaharap kay Evren. Argh.

Eh kung sabihin kaya niyang lasing siya kagabi? Malabong maniwala yun. Para siyang tanga tanga kung iyon ang irarason niya.

"Celeste."

Nag-angat siya ng tingin. Nakita niyang nasa harapan niya si Fiona hawak hawak ang makakapal na libro mula naman sa opisina ni Don Fuego.

"Isauli mo ito sa silid aklatan ngayon din."

Sumagi sa kanyang isipan muli si Evren. Napalunok siya sa isiping baka nandun na naman ang isang yun sa silid aklatan. Nitong mga araw pa naman madalas ito doon.

"Pwede bang huwag nalang ako? Marami pa kasi akong gagawin. Hindi ko na natatapos---"

"Nagrereklamo ka?"

"Hindi naman sa ganun pero kasi.."

Nag-iba ang ekspresyon nito at pinag-ekis ang mga braso. Lagot. Nagalit na si Mareng Fiona.

"Ang sabihin mo lumaki na yang ulo. Sa tingin mo ba ipagtatanggol ka ng mga Senyor kapag sinaktan kita? Hindi! Kaya eto tanggapin mo itong sampal ko."

Pumikit siya at hinintay na lamang na dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi. Subalit hindi iyon nangyari dahil biglang dumating yung babaeng si Shivani. Ito ang pumigil sa kamay ni Fiona.

Nagtagisan ng tingin ang dalawa. Marahas namang kinuha ni Fiona ang braso niya mula dito.

"Gusto mong iparating ko pa ito kay Don Fuego?"

Pinakitaan ito ni Fiona ng pangil pero hindi nagpatinag ang babae. Lakas loob nitong inilabas ang kutsilyo niya at itinutok ito sa babae. Bigla naman itong namutla nang mapansin na ang kutsilyong inilabas nito ay may kung anong lason na makakapatay ng bampira ng ilang segundo lamang.

Dali daling lumayo si Fiona habang matalim pa rin ang tingin nito kay Celeste.

"Salamat nga pala, Shivani."

"Luna," walang ka emosyon  nitong wika.

"Ha?"

"Luna ang itawag mo sa akin. Ayokong tinatawag akong Shivani. Ikaw anong pangalan mo?"

"Ah ako si Celeste. Nga pala, nasaan ang kwarto mo?" aniya sa pero tumalikod lang ito at dire-diretsong bumalik sa itaas na para bang walang naririnig.

Mana pala ito sa tiyahin nito medyo masungit pero mabait naman.

Matapos ang pagpupunas ng mesa ay sumunod naman ay dinala ni Celeste ang mga basurahan sa labas. Agad rin siyang pumasok sa loob nang nakita na naman niya ang dalawang lalaking bampirang nag-aabang labas ng gate.

Hindi makapasok ang mga ito dahil sa may kung inalagay na pangharang si Don Fuego laban sa mga ito.

Pabalik naman siya sa loob nang magkasalubong sila ni Evren. Kakababa lang nito sa hagdan at ilang metro ang layo nilang dalawa sa isa't isa nang tumigil naman ito sa paglalakad.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon