Kabanata 28

1K 25 1
                                    


Kabanata 28

Kitang kita ni Celeste kung gaano kalawak ang siyudad kung saan siya ipinanganak at lumaki. Pinagmasdan niya itong maigi. Nasa tuktok sila ng isang napakataas na gusali buong siyudad.

Pinagmasdan naman siyang maigi ni Evren sa may likuran niya. Ibinuka niya ang palad at sumigaw nang sumigaw. Kamuntikan pa siyang mawalan ng balanse sa nakagalaw niya. Mabuti na lamang at agad siyang nahawakan ng binata.

"Careful..."

Natigilan ito nang mapansin ang mga luha niya sa pisngi.

"Why are you crying?" Malumanay nitong tanong.

Marami siyang gustong sabihin dito. Subalit ayaw naman niyang sirain ang pagkakataong ito kaya umiling siya. Nakangiting pinunasan niya ang luha at siniil ito ng halik sa labi.

"Wala. Pangarap ko toh eh nung bata ako. Hindi ko lang inaasahan na magagawa ko pala ito. Salamat."

"I thought you're scared of heights that's why you're crying..."

I'm more scared of losing both of you in the future.

"Have you watched a movie called Titanic?"

His forehead creased. "I don't watch human movies. You know what I like?"

"Ano?"

"Watching you."

Pabirong inikot niya ang mga mata niya at pinigilan na matawa. Tumalikod siya, muli niyang ibinuka ang mga braso at saka ito nilingon.

"Put your hands around me." She demanded.

"What are you going to do?"

"Basta! Ilagay mo si Cadmus sa may balikat ko."

"Whatever this is, this is so dangerous. Paano kung mahulog ka?" sambit nito pero ginawa pa rin naman ang sinabi niya.

Inihilig niya ang ulo niya sa malapad nitong dibdib at tinuro ang billboard na nasa harap. Saka naman napagtanto ng binata ang ginagawa nila.

"Is this the reason why you wanted to be here?"

"Yes."

Napangiti ito at ibinalik ang tingin sa harap. Ninamnam nilang tatlo ang sariwang hanging tumatama sa kani-kanilang mukha.

"After this, what should we do next?"

"Kiss?"

"Kiss?" Pag-uulit nito habang dahan dahan namang inilapit ang mukha nito sakanya ngunit hindi ito natuloy dahil kinalmot ito ni Cadmus sa pisngi.

"Seems like our son doesn't want me to kiss you."

Her cheeks burned. Humarap siya dito at mabilis na ninakawan ito ng halik. Bago pa man siya mapigilan ito ni Cadmus.

Tumalikod siyang muli at hinawakan ang brasong nakapulot sa kanyang bewang.

"We look like a happy family", aniya at hindi naman niya inaasahan na sasang-ayunan ito ng binata.

"Yes. A happy family."

Lumawak ang ngiti niya. Kung sana ay totoo nalang talaga silang pamilya. Wala sana silang masasaktan.

"He's bound for someone else and not to a mere human. You can't break that bond, Celeste."

What if Arzhen's right? That is possible.

"Pangako ko sayo aayusin ko ang lahat."

---

Nakayukong nakasunod sina Celeste at Luna kina Don Fuego. Sa gawing kanan nito ay ang nakasimangot na si Elliot at sa kaliwa naman ang kalmadong si Evren. Samantala nasa likuran naman nila ang Señora at ang asawa nito.

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon