Kabanata 21

1.1K 32 0
                                    

Kabanata 21

"Why do you have a wooden stake under your bed?" Arzhen'z thick eyebrow furrowed.

Hawak hawak nito ang bata na nakayakap naman mga laruan nito.

"Ah narinig ko kasi pwede raw itong panlaban sa mga bampira. Naisip ko lang na magagamit ko ito kapag inatake na naman kaming pareho ni Cadmus."

"Oh, akala ko itatarok mo sa dibdib ni Evren."

Nanlaki ang mga mata niya at umiling. "Bakit ko naman gagawin yun?!"

He shrugged his shoulders. "He's a bad vampire. So I thought he might be giving you a hard time or  scaring you."

"No, he's not." Iyon sana ang gusto niyang sabihin dito pero ipinagpatuloy na lamang niya ang pagtitiklop ng mga damit.

"Anyway, dadalhin ko na muna si Cadmus sa labas para ilibang siya kahit papaano. Huwag kang mag-aalala isasama ko ang mga kaibigan ko."

"Oh, sige. Mag-iingat kayo ah."

Lumapit ito at lumuhod saka naman pinaharap si Cadmus sakanya. "Say bye to your Mama, Cadmus. Kiss her."

Pagkasabi nito nun ay inilapit nito si Cadmus sakanya. Masaya naman niyang itinagilid ang pisngi niya pero nagulat siya. Inilayo kasi ni Arzhen ang bata sa kanya bago pa man dumampi ang labi ng bata sa pisngi. Sa halip ay ito ang humalik sa pisngi niya.

Umawang ang labi niya at nanigas sa kanyang pwesto. Natatawa namang ginulo ni Arzhen ang buhok niya bago ito lumayo. Narinig niyang natawa na rin si Cadmus at tinuro ang mukha niyang pulang pula na pala.

"Are you blushing?" He smirked.

"H-ha? Hindi ah!" Defensive niyang sabi at pinaypayan ang sarili.

Jusko ka Arzhen. Paano nalang kaya kung biglang bumalik si Evren at naabutan silang ganun?

"Sorry." Ani nito nang halos hindi na siya mapakali at kung ano ano nalang ang hinahawakan niya. Pinagpag niya ang damit at nahihiyang ngumiti.

"Okay lang. Alam ko namang binibiro mo lang ako. Nagulat lang ako kasi hindi ko inexpect yun."

"That's right. I was just teasing you. Ang cute mo kasi tignan hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na biruin ka."

Cute? Naku naman. Nambola pa talaga itong si Arzhen.

"Wala naman sigurong magagalit di ba?"

"Magagalit?"

" I mean, do you have a boyfriend?"

"Wala pa naman."

"Pa?"

"I mean---W-wala! Wala akong balak. Pasakit lang yan sa mga ulo yang mga boyfriend na iyan." She lied.

Pakiramdam niya ay mas lalo siyang pinagpapawisan nang dahil sa sinabi niya. Laking pasasalamat niya na hindi na ito nagtagal pa. Napahawak siya sa pisngi habang nakahiga sa kama at tinapik tapik ang sarili. Ang mag-ama talagang yun! Haynaku.


Katatapos lang ni Celeste sa paglilinis sa itaas nang maabutan naman niya si Luna na may kung anong hinahalo sa inuming dugo. Kumunot ang noo niya. Dali dali namang itinago ng babae sa bulsa nito ang hinalo nito. 

Hindi ito mapakali na para bang may kung ano itong masamang ginawa na nahuli niya. Ano kaya yun?

"Para kanino yan? Hindi ba't wala naman ang Senyor na pinagsisilbihan mo?"

"Para sa akin." Matigas nitong sabi at akmang lalagpasan na sana siya nang pigilan naman niya ito.

"Ano nga yung inihalo mo sa inumin kanina?"

Babysitting The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon