Chapter Twenty- Three

64 22 0
                                    

MARIING tinitigan ng lalaki si Vanessa. He's suspecting something but not sure what it is. Magaling naman talaga magpanggap ang dalaga ngunit...hindi naman siguro masama kung ipahalata nya ito kahit kaunti..?

"Jaey?"

"Are you sick?" He's asking yet it sounds firm.

Tinawanan nya ito, "No." Sa dinami-daming pwedeng itanong, bakit ganito pa?

Siguro dahil sa palubog na ang araw, hindi na nila masyado maaninag ang isa't isa. Nakita nya kung paano ito maglakad papalapit sa kanya at sinuri ang kanyang mukha.

At his gaze, her body shivered. Damn, this effect is still here. Mawawala ba ito kapag tinanggal ko mata nya? Arghh, what are you thinking Vanessa?!

She's having internal conflict when the man touch her forehead that make her flinch. "Sweat. Warm."

Una pa talaga nitong sinabi ang pawis nya, huh. Gusto nyang ikutin ang mata pero ngayong magkalapit nadin sila, bakit hindi na nya umpisahan ang plano nya, diba?

Pinipigilan ng dalaga umangat ang dulong bahagi ng labi nya habang nagsasalita. "Gusto mo bang malaman kung bakit ako nagkakaganito?"

Wala naman itong naging reaksyon kaya napaisip sya kung hindi ba gagana ang ganitong paraan nang, "Bakit?"

Shit! Buti nalang nalunok nya ang gusto nyang sabihin! Akala nya talaga hindi 'to gagana!

She clear her throat for a second, "Because of you."

"Me?" Nagtataka nitong tanong pabalik.

She's in awe. Hindi ba nito alam kung anong nagagawa ng presensya palang nito? "Yeah. Dahil sayo." Mas lalong gusto nya tuloy itong asarin.

Halatang wala talaga itong ideya sa tinutukoy nya. "Kasalanan ko?"

Oo, matagal na! Tapos ngayon mo lang naman?! Gusto nyang sumigaw sa mukha nito pero nananatili padin ang ngiti sa kanyang labi.

"You're a walking aphrodisiac, Jaey." Dahan-dahan nyang sambit sa lalaki. Pinadulas nya ang daliri sa leeg nito habang nakatitig dito, "Alam mo naman ang epekto 'non, right?"

Jaey remained emotionless in the face of Vanessa seduction. Naglaho na ang pagtataka sa mata nito na parang ilusyon lang ang iyon kanina. Others may see that face, but Vanessa is not those other people.

"I see but that's kinda nonsense."

Although he is calmly talking to her, she can clearly saw the veins showing on his neck. Heh, napakahinang nilalang pala nya eh. Ayon lang pero bibigay na agad.

Her desire to grin almost win but she say something to make it not appear.

"You think I'm lying?" Mahina syang natawa, hindi naghihiwalay ang mata nila sa isa't isa, hindi na nya hinintay ang sagot nito. "Kaya nga kita nagustuhan."

Weird, kahit magkalapit na ang dalawa, hindi maaninag ni Vanessa ang ekspresyon ng binata. Gumalaw ito pa-abante kaya kusang napaatras ang mga paa nya.

Patuloy lang ito hanggang sa ma-corner na sya ng lalaki sa isang puno. Tanging tumayo lang ito sa harapan nya...nang mahigit sampung minuto!

Sa loob ng sampung minuto, puno ng pagtataka ang dalaga. Bakit hindi nya magawang umalis dito? Bakit hindi nya magawang makapagsalita? Pakiramdam nya, may tinik sa kanyang lalamunan.

Mas lalong umatras ang ulo nya nang lumapit ang mukha nito sa kanya. "Ayon ang dahilan kung bakit mo ako gusto?" He whispered in her ear, his breath hot against her neck sending chills down her spine.

Vanessa QuintoWhere stories live. Discover now