Chapter Forty

22 2 0
                                    

"What's your plan now?"

Nakatulala lang si Vanessa, nasa tapat nya ang nakalatag na mga litrato at papeles. Her minds are still processing everything that she has recently discovered.

"Red."

"Ah, yes...?" Napatanga sya dahil sa pagtawag sa kanya.

Napansin nya na titig na titig sa si Black sa mukha nya. Hindi na nya nga magawang barahin ito kanina, ihampas ba naman agad ang mga nalaman nito eh.

Tsk, lucky him. Hindi pa nito oras.

Nananatiling walang emosyon ang mga mata nito ngunit mapapansin ang nakataas na kilay nito. "Nagtatanong si boss kung ikaw ba ang magliligpit dyan? It's your business, after all."

Napabalik ulit ang paningin nya sa lamesa. Shit, ano ba ang nagyayari?

"Yeah, leave it to me." She answered lifelessly.

"Then, dismissed." Ani ni Black habang kinukuha ang mga importanteng bagay na nakakalat sa lamesa, maliban sa nasa harapan nya.

Iniwan nalang sya nito basta-basta sa loob, wala talagang balak hintayin sya. She sneered, the feeling is always freaking mutual!

Hindi pa rin magawang masuksok ng dalaga sa isipan ang mga nabasa at nalaman ngayon. Actually, hindi naman talaga sila malapit sa isa't isa.

Oo na, kailan ba ako naging malapit sa ibang tao? Kahit ganto ako kaganda, kailangan pa rin lumayo, duhh.

Ang tinutukoy nya lang naman ay ang traydor na nasa paligid nya lang, base sa sinabi ni Yellow.

Bumuntong hininga nalang sya at lumabas ng kwarto. Tila nawalan sya ng kaluluwa at walang ganang gumawa ng kahit na anong bagay. Kahit pagkilos ay nawawalan na sya ng ganang gawin.

Pagkapasok nya sa kotse, agad nyang binuksan ang phone. Tinitigan nya saglit ang kanyang wallpaper, mukha nila ito ni Jaey. Labag pa nga ata sa loob ng lalaki nang kinuhaan nya ito eh.

Ngiting-ngiti sya dito habang ang lalaki ay salubong na salubong ang kilay pero mapapansin ang patagilid na pagtingin nito sa kanya. His whole face softens as he glances at her, ignoring the fact that it appears like he's against it.

Matapos titigan ito ng mahigit isang oras, binuksan nya ang mga social acounts nya. Matagal nadin kasi syang hindi nakakapag-online. Walang bago, may mga lalaking pilit na gustong makipagkita sa kanya kaso pangalan lang ng binata ang nakakuha ng atensyon sya sa lahat ng ito.

Hindi sya nito hinahanap.

Tinabi nya ang phone at bumagsak ang kanyang likuran sa upuan. Then again, she is staring into the air, and she murmured,

"Inuubos ko ba ang mga taong nasa paligid nya?" Hindi maiwasang matanong ni Vanessa sa sarili.

She shook her head and burst out laughing. Kusang lumabas lang ito sa bibig nya pero parang gano'n na nga.

"VANESSA."

Nasa gitna sya ng photoshoot nang lumapit bigla sa kanya si Leigh. Hindi nya maiwasang magtaka dahil sa itsura nito.

"Kakakita lang natin kahapon ah?" She smiled at her friend.

Nabigla sya dahil bigla itong yumakap sa kanya. Naramdaman nya ang kakaibang init ng katawan nito kaya binalik nya ang yakap dito. She found herself leaning her head against her friend's shoulder.

Nalaman na nya ata ang nangyari. She probably senses that I need a hug....and I truly appreciate it.

"Condolence..." Mas lalong humigpit ang mga braso nito sa katawan nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vanessa QuintoWhere stories live. Discover now