Chapter Thirty-Eight

43 5 0
                                    

DO what I always do.

Haa, kung alam lang ni Jaey ang nagawa nya, magagawa pa rin kaya sya nitong titigan ng gano'n? Mababalik ba nito ang dati kapag lumabas na ang katotohanan?

Ayon ang matinding kinatatakutan ni Vanessa ngayon. Simula 'nong gabing patayin nya ang step father nya, hindi na nya magawang mamuhay ng gaya ng dati. Puno ng pagdududa, nerbyos, takot at pagsisisi ang kanyang damdamin.

Oo, ang isang Red o Vanessa Quinto ay nakakaramdam pa rin ng ganito. She's still a person, she have the right to feel scared at this situation. The idea that the heartless Red is secretly feeling regret killing someone is absurd.

Wala pa ngang nakakaalam sa nangyari pero halos mabaliw na sya sa nangyayari. At mas lalong hindi nakakatulong si Jaey, pakiramdam nya patong-patong na ang kasalanan nya tuwing nakakasama nya ito.

Sya ang gusto kong pumatong sa'kin! Hindi problema!

Ang masama pa, wala syang masabihan ng lahat ng ito. Walang matino sa paligid nya. Maliban nalang kay Genius na kasama nya nang gabing 'yon ngunit tila may ideya na ang babae kung ano ang lalabas sa bibig non eh.

O sabihin nalang natin, kung gaano katagal na katahimikan ang ibibigay sa kanya ng walang kwentang lalaking 'yon. With his relationship to Leigh, she's really fucking against it! He's not worthy of her friend!

Imagine, putik at bulaklak, magsama? Ang sama tignan, diba?

Argh, inuuna nya pa ata ang problema ng kesa sa kanyang sarili. Ano ba kasi ang gagawin nya? Wala, syempre! Wala naman sya magagawa kundi kainin ng kaba at takot, kagagawan nya 'rin naman eh.

Palaki ng palaki ang problemang ito. Dumating sa puntong hindi na sya nakapagtrabaho ng maayos. Ang pagmo-modelo nya ay hindi na nya magawang mapagtuonan ng pansin, ang pera at trabaho nya ay dumudulas na sa kanyang isipan.

Gaya ngayon, she take another break again. Hindi nya gustong magsinungaling sa sarili lalo na't kung magta-trabaho sya. Pagdating sa trabaho, ang gusto lang ni Vanessa ay walang iniisip na iba dahil makaka-apekto ito dito.

If she ever did that, she couldn't be considered professional. On her vocabulary, mistakes are not acceptable.

Isa nadin sa rason ang masilayan o malapitan ni Jaey Quinto. Gumugulo lang ang isipan ng dalaga tuwing naririnig ang boses o nararamdaman ang presensya ng binata. Ito agad ang nadarama nya kada alis nito sa tabi nya.

Pakiramdam ng pinatikim saglit ng katamisan tapos nandoon ang pagsisisi sa huli. Damn it.

Nakipagtitigan nalang sya sa puting kisame. Wala syang ibang mapagtambayan at dito lang sya komportable sa sariling condo. Pinapanalangin nalang nya talaga na walang susulpot para sumira nito.

"Shit! Kakasabi ko lang eh!"

Napasigaw nalang ang babae nang tumunog ang phone nya. Labag pa ang loob nya nang abutin ito. Naningkit ang mata ni Vanessa nang masilayan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

["Red."]

Her eyebrows wrinkled, "What? Hindi ako tumatanggap ng misyon ngayon." Alam naman ito ni Black pero hindi naman siguro masama kung uulitin nya.

["I called you to inform who's the spy."]

She can feel that this man is cursing her to the bottom of his heart. Duh, the feeling is mutual! "Oh? Pahanap ng paki ko."

["Oh? Gusto mo hanapin ang ulo mo?"]

Lumabas ang ngiti sa kanyang labi, "Hindi naman, Black. Anong gagawin ko sa espiya na 'yan? Kaya kaba tumawag para ako ang tumabraho dyan?"

Vanessa QuintoWhere stories live. Discover now