Chapter 1*

49.6K 522 49
                                    

Hey. I'm Cody Zephyr De Roxas. 13 years old. Bagong student lang sa Jansport High School. Sabi daw ng parents ko "Dahil daw sa grades ko, nakapasok ako dito." Kahit puro 90-92 ang grades ko, parang 86 pa rin yan sa akin. Hindi naman ako yung tipong mahilig mag-aral, ako yung tipong makinig na, okay na. Feeling ko talaga deserving ako ng 86. Mahilig ako sa problems... (family problems, math problems, love problems at kung anu-ano pang problema ng mundo) sa mga mysteries... sa mga fantasies... (hindi naman yung tipong romance fantasy, adventure fantasy ang gusto kong uri ng fantasy) at sa mga kung anu-anong kelangan ng sagot. Sabi daw "I had a very cute face" at "maraming nagkagusto sa akin." Pero sa tingin ko, mas marami pa dyang cute kaysa sa akin. So that's me. Summarized version. Hope you understand my life as a student in Jansport High School.

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

So this is really who I am. Cute guy daw, di naman. Check niyo nalang sa Multimedia.

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

June 13, 2012. Wednesday. First day of school sa Jansport High School.

 ..

 ..

First day na first day ng school... Maraming mga magkakabarkada sa labas na sabay-sabay napasok. Eto naman ako nag-iisa kasi bagong estudyante lang. Loner. Hai. Biglang may tumapik sa balikat ko.

 ..

 ..

"Ui, kuya..." sabi niya.

Kuya? Hello?! First year high school student palang ako! Magkaedad lang tayo ah. Haiii. Humarap na lang ako pero... hinayaan ko na lang na tawagin niya akong kuya... "Yes?"

May inabot siyang papel, yung papel na galing sa notebook, "Inyo po ata tong papel na toh." Kinuha ko yung papel sabay basa sa nakalagay. Wala namang nakalagay. Awkward. So you're saying nag-lilittering ako?!

"Sige po Kuya," nagpaalam yung student... Silent. AWKWARD x 2. Crinumple ko yung papel sabay tapon sa basurahan. Binalewala ko na lang yung nangyari. Eh kasi naman, wala naman talagang nangyari kundi isang student na nag-abot sa akin ng papel na walang kasulat-sulat. Yun lang yun. Pero... hindi lang pala yun ang nangyari. Patay-buhay-patay-buhay ang ilaw sa gate. SHIT. Hindi naman ito horror story. May isa pang humawak sa balikat ko... O_O! Nagulat ako nung sinabi niya...

"Pasensya na po pero sadya pong ganyan ang ilaw dito. Nakailang bumbilya na po ang nalagay dyan pero patay-buhay-patay-buhay pa rin po yan," sabi... ni... Manong... Guard. Kala ko pa naman kung bakit ganun yun. Siguro sa wirings doon sa loob. Pumasok na lang ako iniisip na wala talagang nangyari.

Normal na normal naman ang pakiramdam ko. Walang scary stuff. Walang kung ano-ano. Just a regular high school. Sa bawat step ng hagdan na inakyat ko... sa bawat tile ng sahig na nilakaran ko... Wala. It's just a regular high school.

Pagpasok ko sa classroom ko... Walang kailangang problemahin kasi nandun naman ang iba't ibang uri ng kaklase. Yung mga tahimik sa isang tabi... yung mga maingay na nagtsitsismisan... yung mga takbo nang takbo, tapon nang tapon ng gamit, text nang text nang patago. Walang pinagkaiba sa former school ko. Umupo na lang ako sa may likuran. Isang buong row na limang bag lang ang nakalagay. Nang umupo na ako, tiningnan ko lahat ng gamit ko sa bag. Okay. Kumpleto naman... nang... "Um, ano ngang pangalan nito?" may nagtanong na kumulbit na naman.

[Book 1] Mysteries of Jansport High School: Son of LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon