Chapter 5*

16.2K 239 14
                                    

Sa labas ng gym that same day... "Haiiiiiii..." what a long day. "So, ano na ang nahanap niyong clues?" tanong ni Dan. "Ui, wait lang. Di ba Doku Hebi ka? Baka naman i-backstab mo kami," accusation ni Kelvin.

"Hindi ah. Pramis. Di ba pumayag ako na tutulungan ko kayo?" sabi ni Dan sa amin. Of course, we nodded our heads. "Okay... We found out who the Lights finally are. Dimiter Lights. Felicity Lights. And Neo Nathan Lights or Neon Lights."

"Wait, did you say Neon Lights?" sabi ni Dan. "Oo," sagot ni Kelvin. "I've heard of his name but I haven't met him in person. Pero I've heard, hindi sigurado ha, na nag-aral din siya sa isang malapit na school sa Nevix City..." sabi ni Daniel.

"Nevix City? Di ba medyo magkalapit lang distance ng city na iyon sa Fezior City, yung city kung saan matatagpuan ang Nexus High School?" sabi ko. Whoa. Umalis na kami sa gym at naglakad-lakad bago kami pumunta ng classroom namin para kuhanin ang bags namin.

Wait. Saan yung diary? NAKOWH, naiwan sa gym. "Di ba hawak mo lang kanina yung diary?" sabi ni Kelvin sa akin. "Oo, kaso, iniwan ko sa bleachers nang umupo ako for a second," sagot ko na may halong humiliation. Binalikan ko yung gym.

Pagkabalik ko, may nakita akong student ng ibang school na nakatayo malapit sa position kung saan naman si Doanne at Hertz namatay... Isang girl with long hair, well-fit body and colored extensions. Sumilip ako nang dahan-dahan sa gate. Tumataas ang katawan ng babae. She was levitating? 5 seconds of levitating, she was about to face me. Inalis ko ang pagsilip sa kanya...

"Hui, akala ko kukuhanin mo yung diary..." sabi sa akin ni Daniel. "May babaeng nalutang sa loob ng gym eh," sabi ko. "HA?! Babaeng nalutang?! Ano yan, patay?!" napatawang sagot ni Kelvin. "Tingnan niyo kaya," sumagot ako. Lumapit yung dalawa sa gate at sinilip ang loob. Sumilip na rin ako just to be sure. "Wala naman, nananakot ka ata noh?" sigaw ni Kelvin. Oo nga, nawala yung girl. Pero I'm sure may girl talagang lumulutang kanina. "Kuhanin mo na yung diary kasi," sabi ni Kelvin. "Oo na!" sagot ko. Patakbo akong pumasok. Patakbo kong kinuha yung diary. Patakbo akong umalis.

I was one step close to the gate nang biglang lumakas ang hangin. "Anong nangyayari?" tanong ni Kelvin. Tiningnan ng dalawa ang sky. Habang nakatingin sila sa langit, may humawak sa paa ko... Pagtingin ko, wala namang kamay. I dropped on the floor. Grabe naman, nakakailang bagsak na ba ako... Kinaladkad pa ako palayo yung gate. "HEEEEEEEEEELLLLLLLLLLPPPPPPPPPPPP!" sigaw ko sa dalawa. "Cody!" sigaw ng dalawa sabay bukas ng gate. "Ba't di tayo makadaan?" sabi ni Daniel habang sinusubukang makapasok sa gym. May forcefield yung gateway... Ano ba gusto nito? Yung diary... may boses na umimik habang kinaladkad pa ako.

"Daniel! Saluhin mo ang diary!!!" sigaw ko sabay bato sa diary. Nasalo ito ni Daniel. "Umalis na kayo!" sinigaw ko. Ibalik mo ang diary!!! sinigaw ulit ng boses habang hinahatak ako nang mas mabilis. "Hindi ka namin iiwan, dre... Kapit ka lang..." sabi ni Kelvin.

Palayo nang palayo ako sa gate habang umalis si Kelvin. "Iiwan mo na lang si Cody?" sigaw ni Daniel. "Hindi. Just trust me, okay?" Kelvin shouted back. After 15 seconds or so, nakabalik na si Kelvin na may dala-dalang water hose.

[Book 1] Mysteries of Jansport High School: Son of LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon