Chapter 15*

10.7K 188 10
                                    

*Kelvin's sub-POV*

Takbo kami nang takbo ni Daniel all around the building... eh kasi nga mamamatay si Cody. "Cody, sagutin mo please..." I called his phone while we're running. "Sorry, the number you have dialled is not yet in service, please try again later." Damn. Nasaan ka ba talaga, Cody...

"Ilang minutes na lang?" tanong ko kay Dan. Tumingin siya sa watch niya. "8 minutes," sagot ni Daniel. Tumakbo kami ng gazebo... Wala. 6 minutes left. Tumakbo kami sa cafeteria. 1st floor. 2nd floor. Wala. 3 minutes. Oh men. Takbo naman kami sa library... Wala rin dun. "1 minute, Kelvin!" naalarm si Daniel. Sinubukan naming bumalik sa classroom. Every step we took was a second lost.

Nakaabot kami sa classroom. 15 seconds. "CODY!" sigaw namin ni Dan kay Cody na parang nanghihina habang nalabas ng room. "Whoa. Anyare sa'yo?" tanong ko kay Cody na parang nakainom lang. "Di ko alam, parang nadedrain ako ng powers ko..." sagot ni Cody. "I hate to interrupt but... 5 SECONDS!" sigaw ni Dan. Nilabas ko ang Aqua Fukkatsu sa bulsa ko at pinainom kay Cody. 1 second to spare... Gumaling na rin ito. Tumayo na si Cody at sumagot, "Thanks. Teka, paano niyo nalaman kung ba't ako nagkaganito?"

*Cody's POV*

"Bago namin sagutin, why would you kiss a ghost at sa lips pa?" tanong ni Daniel sa akin. "Eh ganun talaga, kahit imposible, siguro gusto ko siya..." sagot ko. "Paano niyo naman nalaman na nag-kiss kami kanina?" tanong ko naman sa kanila. May inabot si Kelvin na note sa akin sabay sabi, "Galing sa 'girlfriend' mo..." Sumagot ako, "Girlfriend na agad? Di pa naman kami at hindi naman pwede maging kami..." Bumanat si Dan, "Love knows no boundaries..." Sumigaw ako, "Shut up..." 

Inunfold ko na yung note ni Katelyn at binasa ito. Nagtext naman si Katelyn, Relax. Hindi na kakalat ang lason sa katawan mo, napagaling ka na eh. Love you. ~♥ Sinilip nila yung text ni Katelyn. "Ayyyiiiieeeee..." sabay pa ang dalawa. "Oh c'mon!" nagdabog ako sa kanila pero deep inside, I wanted to text her back with an "I love you too." LOL. Pumasok na kami ng classroom at nagring na ang bell.

Natapos ang afternoon classes at dalawang pop quizzes... Grabe, ang hirap ng quizzes. So it's time to go home... "Geh, mauna na kayo... May tatapusin lang ako," sabi ko sa dalawa. "Tatapusin niyo date niyo?" joke ni Daniel. "ADIK!" reply ko. "Oh sige, una na kami, bukas na lang," sabi ni Kelvin habang umalis na sila.

I fixed my things and left the room five minutes ago... Pumunta ako sa rooftop ng building namin (via hidden stairs). "Hmmm... now what should I do now?" I said to myself while lying down on the roof. Nilabas ko notebook ko at sinagutan ang assignment. "If one side of a triangle is 6 then another side is 8, what is the measure of the hypotenuse?" O_O?! Lakas maka-geometry ng homework ko. Biglang nakarinig ako ng footsteps sa roof... "10," a girl said. Wait. Familiar sa akin yung boses na yun ah. I turned around and saw a real life Katelyn Yurei. "Katelyn?" I said in surprise.

"Oh hi, napadaan lang at nacurious lang ako sa'yo, ano ginagawa mo dito?" tanong niya habang umuupo si Katelyn sa tabi ko. "Wala lang, para maiba naman," sagot ko. Tiningnan niya homework ko at sumagot, "Medyo mali-mali yan ih..." Napatawa akong sumagot, "Paano ba?" Tinutor niya ako. She's also smart, smarter than I am.

[Book 1] Mysteries of Jansport High School: Son of LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon