Chapter 14*

11.6K 184 10
                                    

"Pardon po?" sabi ko in a state of dumbfoundedness. "I found the man you have been looking for, Hermanio Dimaculangan." Thank you dahil matatapos na rin ang paghahanap namin.

"So sir, may I know where you found him?" I humbly asked. "Cliston City. The only house found at the edge of Cliston Edge Cliff. Oh, and by the way, you do not need to send the reward. All I want or shall I say all we citizens of Cliston City want is the possibility of treatment for his condition."

"Thank you for your cooperation, sir. Hope you have a good day," I greeted him farewell frankly. This is it. "Sino yung tumawag?" tanong ni Daniel. "Isang lalakeng nakapagsabi ng location ni G. Dimaculangan..." sagot ko. "Wow. Saan ba siya natagpuan?" tanong ni Kelvin. "Cliston City. Layo nga lang..." sagot ko na may konting dismay.

"Boys, paano kayo napapunta sa baba?" tawag sa amin ng mga parents namin na nasa balcony na ngayon. "Um, ninja moves?" sumagot si Kelvin. "Galing niyo ah. Bilis niyo. Anyway, uuwi na kami... sasabay na kayo mga boys?" tanong ng mom ni Dan. "Mamaya na lang po... I'll be home before dinner..." sagot ni Dan. "Ohsige. Just be sure to come home ha!" sabi naman ng mom ni Kelvin. Kakatuwang isipin ang "be sure to come home", hindi naman pwedeng hindi sila uuwi? Hehe.

Nag-farewell na ang parents nina Kelvin at Daniel. Lumapit kami kay Mom na nasa kitchen cooking dinner. "Oh boys, what are you doing here?" tanong ni Mom. "May we ask a favor?" tanong ko. "Naku anak, ano yun? Nagmamadali pa si Mom, pupunta pa ako sa Cliston Grocery Store at bibili pa ako ng food supplies natin these next two weeks," sabi ni Mom. This is the better chance. Nothing could ruin this day, like ever. "Um, mom, pwede kaming sumama?" nagpaalam ako with puppy dog eyes.

"Paano ang niluluto ko? Besides, alam ko na naman kung anong mga gusto mo," sabi ni Mom. A bit disappointing. "Okay po..." sabi ko habang umalis kami ng kusina. "Paano na ngayon?" tanong ni Dan. "I guess we have no other choice..." sabi ni Kelvin.

Paalis na si Mommy at nasa labas na kami ng bahay para ihatid ang dalawa. "Sige, Cody, sa Monday na lang ulit," sabi ni Kelvin habang napara si Dan ng tricycle. Sumakay na ang dalawa at umalis na ito. Pumasok na ako sa loob nang biglang, "Bata..." may boses na tumawag sa akin...

Tumingin ako sa likuran ko at may isang nakatayong matandang babae. Nilapitan ko siya at sumagot ako, "Um, ano po iyon?" tinanong ko sa babae. "Pwede bang makahingi ng isang baso ng tubig, malayo kasi ang pinanggalingan ko kahahanap ng aking anak..." sabi ng matanda. "Teka lang po," pumasok ako at kumuha ng isang basong tubig.

Inabot ko na yung baso at umimik ang babae, "Naku iho, busilak pala ang puso mo. Naalala ko ang anak ko sa iyo... Hindi ko na nga alam kung nasaan na siya. Isang gabi, iniwan na niya ako para bumalik na sa trabaho pero ang tsismisan sa amin ay nag-aalaga na daw siya ng isang bata." Hiyang-hiya akong nagtanong, "Um, ale, ano po ba pangalan ng anak niyo po?" Masaya sumagot yung babae, "Hermanio... Hermanio Dimaculangan..." Nagsilakihan ang mga mata. "Oh eto utoy ang baso niyo, salamat uli sa tulong mo, mauuna na ako," sinabi ng ina ni G. Dimaculangan bago tuluyang lumakad na ulit.

[Book 1] Mysteries of Jansport High School: Son of LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon