Chapter 20*

10.7K 160 4
                                    

So that night… Kumatok ako dun sa kwarto ngayon ni June. Binuksan ko ang pinto at tinawag si June, “Hey June, ayos ka na dyan?” Sumagot si June na nakahiga sa kama at binabasa ang diary, “Oh hey, so… thanks dahil at least natulungan mo akong hanapan ng bagong house matapos mamatay ng nag-aalaga sa akin. Parang medyo nakakahiya na ang ginagawa mong tulong sa akin, eh.” Sumagot ako, "Wala yun. It's the least I can do."

Umupo ako sa tabi ni June at nakipag-usap, “So, anong gusto mong itawag ko sa’yo? June Ongsee or Neo Nathan Lights?” Sumagot si June, “Kahit alin.” Nagtanong ulit ako, “Ask ko lang, kailan mo nalamang may powers ka?” Sumagot si June, “Siguro nung moment na nalaman kong ampon ako. I was running as far as I could. Sa sama ng loob ko, biglang bumuhos ang isang malakas na ulan sa Cliston City... Tapos… habang palayo ako nang palayo, tinamaan ako ng kidlat. Buti na lang at hindi ako namatay. Instead, parang nag-recharge ang katawan ko. I knew something wasn’t correct…” Biglang tinawag na kami ng mom ko, “Cody! June! Dinner!” Bumaba na kami ni June…

Natapos na ang day… October 2. School gate. Naglalakad kami ni June papasok nang pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante na napasok. I then overheard the whispering of some of them saying, “Di ba siya yung muntikan nang holdapin kahapon?” or similar things. Biglang dumating sina Kelvin at Daniel, “Hey Cody… June?!” sabi ni Daniel. “So Cody, anong meron sa iyo at trending ka sa JansportHighSchool.com?” tanong ni Kelvin. “Dunno. Maybe yesterday,” I answered.

“Oh June, convinced by Cody to come along with us?” insult ni Daniel. “Sort of,” simple sagot lang ni June/Neo. As we walked into our room, dinumog ako ng mga classmates ko… Tanong sila ng tanong, “Ayos ka lang Cody? Hindi ka ba nasugatan? Kamusta yung pakiramdam mo ngayon? Takot ka ba sa mga holdaper? Anong hitsura nung holdaper? Bakit trending ka sa JansportHighSchool.com?” WHAT THE. Bakit sobrang bilis kumalat nung balita kahapon?

Pati ba naman si Sir, updated. “Mr. De Roxas, how are you right now? Are you relieved about what just happened to you yesterday?” Hindi naman ako makasagot. Bumanat si Sir, “It’s alright if you couldn’t answer, siguro hangover ka pa sa nangyari kahapon. So students, always be prepared.” I mean, what a day with this issue scattering all over the whole campus. Bawat student, bawat staff, bawat teacher, nag-alala sa akin. At least I’m okay for now.

Fast forward. October 10. Exams day. The room was too silent since it was our second quarter exams. Although June can choose not to answer the exam, he still did. 2 minutes. Natapos na rin ako 5 minutes after. “Mr. De Roxas, Mr. Ongsee, you may proceed outside and have your break…” Lumabas na kami ni June. After about 2 minutes of waiting, lumabas na din sina Kelvin at Daniel.

Sa cafeteria… “So this is it. The human who the Guardian Dragon chose. The Son of Lights. The Tokotsunaito. The Betrayer of Betrayers. Na-fulfill na natin ang prophecy ah,” sabi ni Daniel habang tinuturo kami respectively. “Not quite. Hindi pa natin nakikita ang final nemesis natin…” sabi ni Kelvin. “Any clues where?” tanong ko. “May alam kayong secret entrance sa kahit saang building dito?” tanong ni June. Umiling kami. “I doubt you’d know something,” sabi ni June sabay labas sa diary.

Binuklat niya ang diary sa isang page na nagcocontain ng isang map. He turned our look at the map… Wait. “Map yan ng Jansport High School?” tanong ko. “Looks like it,” sagot ni June sabay turo sa isang spiral na nakaprint sa isang bubong. “Kung nandoon ang entrance sa bubong na yun, anu-anong nakapalibot dito?” sagot ni Kelvin. “So north nun ang grounds. South ang High School Building. East ay ang aviary. West ay school garden…” sagot ni Daniel. Biglang naglakihan mga mata naming tatlo nina Kelvin at Daniel.

[Book 1] Mysteries of Jansport High School: Son of LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon