Chapter 2*

26.1K 329 18
                                    

That same day... Break. Nasa clinic ako hoping to see my best friend's condition perfectly normal. "Miss, nandyan pa po ba si Daniel Villavicencio?" Sumagot yung nurse, "Kakalabas lang niya. Siguro nasa cafeteria ngayon." Sumagot naman ako, "Okay po, thank you po." Umalis na ako at tumungo na ako sa cafeteria.

The problem is... Dadaanan ko yung abandoned room ng school, yung power room... Source ng kuryente't electricity sa school. Nang napadaan na ako, nakita kong may nagfaflash na ilaw sa bintana ng power room. "SHIT. Ito na ba ang Son of Lights?" I whispered to myself. Lumingon ako at coincidently dumaan si Kelvin. "PSST!" tinawag ko si Kelvin.

Tumingin sa akin si Kelvin sabay sabi, "Ano ginagawa mo dyan?" Sumagot ako, "Parang ang Son of Lights ang nakikita ko dito." Sumilip kami sa bintana kaso hindi na ulit nagfaflash sa room na yun. Napahiya ako kasi hindi maniniwala si Kelvin sa akin ngayon kaya sumagot ulit ako, "I know it sounds crazy pero mayroon nagcocause ng flickering lights dito." Nagbukas ang pinto ng power room. SHIT.

"Oh mga bata, ginagawa niyo dyan?" sabi ng... electrician. .___.

"Kala ko naman kung ano, Cody," sabi sa akin ni Kelvin. Nag-apologize kami sa electrician dahil sa maling akala. Napahiya lang ako. "Ano ba yan?" sabi ko sa sarili ko. "Nagmamadali ka? Hmmm... Daan tayong library mamaya," sabi ni Kelvin. "Bakit?" tanong ko. "Basta!" sagot niya. Sabay kaming pumunta sa cafeteria...

Habang papunta na kami... ayun. Pabalik naman si Daniel. "Hui Dan!" tinawag ko pero hindi ito tumingin. Haluuh. Nagalit ata. "Hayaan mo muna," sabi ni Kelvin. Hinayaan ko muna at nagpatuloy na kami...

After 15 minutes of eating, getting to know one another and talking... Dumaan kami sa school library. I get a feeling na nandito yung sagot na hinahanap ko. Pumasok na si Kelvin habang ako'y nakatunganga lang sa harap ng doorway ng library. On my left naman is a narrow hallway na naglilead sa comfort rooms. Pagkaswing ko ng head ko sa left ko, nakita ko ulit si Dan. Same way, nakita rin niya ako. Nagpumiglas siya ng takbo. "Dan! Hui!" sigaw ko habang hinabol ko. Paulit-ulit kong tinawag si Dan hanggang naabot ko ang collar ng uniform niya. Ayun, napagod, napatigil at nakipag-usap na rin nang ayos.

"Teka nga, ba't ka ba umiiwas sa akin?" sabi ko na may paghingal. "Ayoko nang makita kang nasasaktan sa nangyayari sa akin..." sumagot ito. Umupo na lang kami sa may corridor at nagpatuloy-tuloy na ang pag-uusap namin.

"Ba't di mo naman sinabi na Doku Hebi ka?!" pasigaw kong tanong. "I wanted to say it nung nasa room tayo pero biglang lumabas yung evil side nito since inakala kong ikaw ang Son of Lights," sagot niya.

"Eh bakit naman ako ang una mong suspect?"

"Dahil sa mga recent changes around here... Yung lightpost na nag-short circuit kanina. Yung white vision ko. Parang may kinalaman sa'yo."

"Ano naman ang kinalaman ng mga iyon sa akin?" Pero sa nakikita ko, wala siyang masagot sa tanong ko kaya hinayaan ko na lang niyang huwag sagutin. Tumayo na ako pero bigla ulit akong hinila ni Dan sa sahig. Double drop pain. AWCH!

[Book 1] Mysteries of Jansport High School: Son of LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon