Chapter 7

1.3K 43 10
                                    

Christmas season is here.

Parang ang sasaya ng mga student ng matapos ang finals. Ayon, nagsusubmit na lang kami ng mga requirements and final projects.

Last three days for this semester.

Nasa Cafeteria kami. Madaming kung ano anong papel ang nakalagay sa table. Kasi nga. May mga tinatapos pa kaming projects. While I'm coding again on my laptop.

I take a sip on my coffee bago ko binalik ang atensyon ko sa kino-code ko.

Ng may umupo sa tabi ko.

Di ko na pinansin kung sino. I thought it was Mikha kasi sya lang naman yung wala when I heard her speak sa kabilang side.

Napataas ang tingin ko. And I noticed na lahat ng mata nila ay nakatingin saken at lumilipat sa katabi ko.

I cursed in my mind ng maamoy ko ang familiar nyang pa bango.

Ni hindi ko magawang lumingon sa kanya kasi baka mangatog ang tuhod ko.

"Hi Guys, uhh, let me introduce you to Aliah, Biniverse, 2nd year representative" Aliah smiled at us. I know her. Isang club lang kami and she's a very sweet person talaga. And medyo may pag ka joker din minsan. She's fun to be with. Tsaka nakakakwentuhan ko sya.

Wow. Mikha is introducing her na to us.

" And uhm, si Savy, you know. The super model"sabi ni Mikha emphasizing the word model.

Tapos pinakilala ni Mikha isa-isa until its my turn

"And she is Jho, you know, the J..." If looks could kill, she's dead right now.

Tinakpan nya pa ang bibig nya tapos umubo ubo pa

Alam kong ichichika nya na ako yung JR sa radio every lunch. Bwiset na to. Ang daldal talaga.

Ngumiti lang ako kay Aliah. Ni hindi ako nagbalak lumingon sa katabi ko. Kasi pakiramdam ko. Mahohospital ako pag tumingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero kung last time naman. Nakaya ko. Pero bakit hindi ko kaya pag sa harap ng mga kaibigan ko.

Kainis ka JHO

"So, bakit hindi ka namamansin" that's the cue when I really have to look at her

I saw how my friends laugh at my peripheral vision

I scratch the back of my neck.

Siguro nagbablush na naman ako. Ganon kalala

"Ah sorry. Hehe, busy lang" pag papalusot ko

She just nodded and went back to her phone

Akala ko tapos na. Pero bigla nyang inabot saken ang phone nya

I look at her confused

"Your number" sabi nito

"Savy, if you're trying to kill me. Just stab me with a knife. Hindi yung paunti-unti" isip isip ko

Nanginginig pa ako habang nag tatype.

Ngumiti ako sa kanya ng ibalik ko yung phone nya. She thanked me.

"Hooh, panalo na naman ang isa dyan" sabi ni cole na kahit hindi saken nakatingin, i know she's referring to me

"Feeling ko, kaya nyang i-uno yung coding subject nya after this" sabi naman ni Sheena

"How to be you po Koya" sabi naman ni Mikha

Kung wala lang dito si Savy. Baka nabatukan ko na sila.

Tumahimik naman sila ng hindi ko sila pinatulan. Then i received a message

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now