Chapter 30

1K 33 13
                                    

Hey. Patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. 🥲

Savys' POV

I woke up alone in our bed. I checked the clock on our bedside table. 7 am. Ang aga pa. Pero wala na si Jho sa tabi ko. I stared at the ceiling ng maalala ko ang nagyare kagabi. Bwiset talaga si Jho kahit kailan. Nakakainit ng ulo.

Bumangon ako at nag stretching saglit bago lumabas ng room only to find her dancing in the kitchen. Naka headphones ito kaya hindi nya naririnig ang yabag ng paa ko. Sumandal lang ako sa bar counter. Nakatalikod ito saken habang nagluluto ng pancake. I guess it's pancakes dahil sa amoy nito.

Good mood sya. Hello hang over, wala ata sa dictionary nya yon. Parang ako yung masama ang pakiramdam sa lagay na ito.

When she turns around. Napatalon pa ito ng kaunti sa gulat sabay hawak sa dibdib nya. Bago ako binigyan ng ngiti na ikinairap ko naman.

She put down her ladle on the counter top bago lumapit saken at yumakap.

Ang clingy ha. Parang walang ginawang kasalanan kagabi.

"Good morning Love" abot tenga nitong ngiti ang sumalubong saken matapos nya akong bitawan

Okay. Ang happy nya ngayon. Napaiwas ako ng tingin dito. Bwiset.

"You're blushing. Wow" puna nito sa akin kaya napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Kainis, pinulo pa. Blushing hindi sa kilig kundi sa galit.

I heard her laugh bago bumalik sa niluluto nya.

"Malapit na to Love, take a seat na" sabi nito at isinalin ang pancake sa plato bago nilagyan ng fruits and syrup.

Nakapag brew na din ito ng kape. Isinalin nya na lang sa tasa at inayos ang mesa

Then she sat beside me

"Di masakit ulo mo?" Tanong ko dito at tinaasan ito ng kilay

Ang weird. Lasing sya kagabi. Halo halo pa nainom pero walang hang over.

She smiled at me.

"Wala eh, mahina yung alak" sabi nito sabay tingin sa lips ko. Potek na tao talaga to. Pigilan sana ako, baka may masapak ako ng di oras

Naalala ko na naman yung nangyare kagabi. And I know na namumula na naman ako because I heard her laugh again.

Bwiset talaga to. Alam na alam kung paano laruin yung emotions ko.

"What happened last night?" Tanong ko dito, challenging her. Baka kasi eme lang nito yung sinasabi niya. Malay mo iba pala iniisip di ba? Duda pa din ako na naaalala nya yung nangyare kagabi.

A smirk plastered on her face. Parang hindi ko gusto yung ngisi nya ha.

Tumayo ito at lumapit saken bago humawak sa waist ko. Looking serious as her gaze went from my eyes to my lips

"Ikaw ba ang nalasing kagabi? Wanna remember everything?" Tanong nito

Gosh, bwiset, humihina ata ang aircon. Bakit ang init. I pushed her that made her laugh again. She's just teasing me.

"Kain na Love" sabi pa nito  at bumalik na sa upuan nya kaya wala akong nagawa kung hindi kumain na lang

Lumalakas ata ang loob niya lately.

---

---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now