Chapter 35

1K 38 14
                                    

I never felt so alive like this. Waking up with Savy on my arms, nakayakap pa ito saken.

Nakakangalay pero kaya naman.

Yumakap din ako sa kanya. Naramdaman nya siguro ang kalikutan ko kaya sya nagising. Sinamaan pa ako ng tingin.

"Good morning saken I guess?" Sabi ko dito kaya kinurot ako sa tagiliran

"5 minutes. Ang ingay mo. Ang aga aga pa" sita nito saken bago ako hinila at niyakap ulit

Napangiti ako sa ginawa nya. Ano ba yan. Ganon lang ni Savy, kinikilig na ako.

Hinintay ko na lang mag 5 minutes bago ko sya inayang bumangon na. Naghilamos at toothbrush lang ako. Habang sya ay nag powder, nagsuklay at nag lip tint pa. Checking her reflection on the mirror bago humarap saken

"Do I look good?" Tanong nya tapos umikot pa kaya natawa ako

"Kahit walang anek anek, maganda ka palagi" sagot ko dito

Totoo yun ha. Kahit bagong gising sya. Kahit walang hilamos. Maganda yan. Laban na yan.

Umirap lang ito bago binalik ang tingin sa salamin for a final check I guess bago lumapit saken

"Tara na?" Tanong ko and she nodded

Kaya lumabas na kami ng kwarto to find Dad sitting sa sala. Tapos si Mommy ay nasa kusina.

Wearing that naughty smile. Napakunot ang noo ko dahil doon.

Dyusko. Kung ano man ang iniisip ng nanay ko. Sana sarilinin nya na lang.

"Good morning Tita" bati ni Savy bago nag beso kay mama

Kabaligtaran ng mapang asar na ngiti ni mama saken ang ibinigay nya kay Savy

"Mommy na lang Anak" sagot nito kay Savy that made the latter smile

"Nagpreprepare po kayo ng breakfast? Tulungan ko na kayo" magalang na sabi ni Savy

My mom nodded at her. Samantalang nakatayo lang ako habang pinapanood sila

Parang maiiyak pa ako. My heart is so happy.

"Anak, shogi?" Napatingin ako kay Dad ng magsalita ito

Nag yayaya mag shogi. Okay fine. Papatikimin naten yang si Dad ng malakasang moves

Shogi is a japanese version of chess guys

Tumayo si dad tapos pumunta sa shelf na malapit sa TV at kinuha yung board doon

Samantalang ako ay umupo na.

"Hay nako Dad, kailan ka ba natuto? Alam nyo namang hindi mo ko matatalo?" Pagyayabang ko sa kanya that made him laugh

Nakakatawa ba yon? Hindi kaya. Dapat napipikon si Dad. Wrong response.

"Anak, kahit pikit ako, di ka mananalo saken" ganti nya sa sinabi ko

That made us both laugh.

Alam nyo na kung ano nakuha ko kay Dad at kay mom. Kayabangan at kakulitan.

SAVYS POV

Tinulungan ko si Tita magprepare ng breakfast. Sabi niya, gumawa na din daw kami ng pack lunch para mamaya kasi baka daw magutom kami ni Jho sa byahe.

As we're preparing. Napapatingin ako kay Jho at sa Dad nya. They look really close. Magka vibes na magka vibes. Naglalaro sila ng board game. Di ko alam kung anong tawag don. Pero kitang kita ko kung paano kumunot ang noo ni Jho, tapos sasamaan ng tingin ang Daddy nya.

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now