Chapter 16

1K 37 11
                                    

Hapon na din ng maisipan kong puntahan si Savy sa condo nya.

Bumili ako ng icecream on the way.

Nag door bell ako pagkadating ko sa unit nya

Pinagbuksan nya naman ako ng pinto

Dire diretso lang akong pumasok at inilagay yung icecream sa freezer. Tapos umupo na sa sofa kung nasaan sya

Ni hindi ako makatingin sa kanya habang sya ay parang pinag aaralan ako ngayon sa sobrang titig

"So, anong nangyare kahapon?" Tanong nito

Napalunok naman ako ng maalala ko kaagad yung lips nya. Potek na to talaga

"Anong kahapon?" Tanong ko dito

"Emergency? Sabi saken ni Ate Aliah, ikaw daw naghatid saken pero tinawagan mo sya kasi may emergency ka"

Ikaw yung emergency baliw. Bigla bigla ka na lang nanghahalik tapos ano

"Ahh wala yon, naalala ko lang may nakalimutan akong i send last night na article, need na e" pagpapalusot ko

Tumango naman sya saken

"So, sino yung kausap mo kagabi?" Tanong pa nito saken

Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot ito ng silk pajama na terno, kulay pink. Mukhang bagong set ng collection nya

"Who?" Paglilinaw ko dito

Tumaas naman ang kilay nito. Parang naiinis na

"Yung pinuntahan mong table nung nag cr kami ni Shee" sabi nito

"Ahh sina Roanne yun, kasama ko sa Biniverse" sagot ko sa kanya

Pinaningkitan ako ng mata nito

"Ahh, kaya pala lagi ka ng napunta sa club, may babae naman pala"

Sabi nito sabay irap

Dang, anong iniisip ng babaeng ito. Parang hindi ko nagugustuhan

Tumahimik ito ng ilang saglit

Habang ako, iniisip ko at pinagtatagpi tagpi ko kung bakit ganito ito umasta ngayon

When a random idea pops in my head

"Are you jealous?" Parang nagulat maman sya sa sinabi ko

Tumingin ito saken ng nakakunot ang noo

"Ha? Bat naman ako magseselos?" Iritang tanong nito saken

Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso nya

"Yieeeh, you're blushing.. my princess is selos" sabi ko dito

"Tsk, hindi nga. Ano ba" tanggi nya pa na ikinatawa ko lang

Medyo gumaan ang mood after that

Nakahinga naman ako ng maluwag

This just confirms na nakalimutan nya ang pagkuha nya sa first kiss ko.

Pero siguro. Mas okay na din yon. Kaysa naman biglang may magbago saming dalawa. Parang mas di ko kaya yon

Kumakain na kami nung dala kong ice cream ngayon.

"Pero selos ka nga?" Tanong ko ulit dito

Inirapan lang ako nito at sumubo ulit ng ice cream

"Pag ikaw hindi tumigil, sasapakin talaga kita" sagot nito saken

Na tinawanan ko lang din naman

Scary Savy

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now