Chapter 52

807 34 38
                                    

After a year

"Thank you anak, I'm so proud of you" sabi ni Dad, he holds my hand with tears in his eyes

I smiled back at him.

"Thank you Dad. Thank you for trying so hard for the past year. I'm also proud of you" sabi ko dito

Niyakap ako ni Dad.

Finally. I can go home now.

Dad opened his arms, humihingi ng yakap na ibinigay ko naman. Mom joined us.

Dad completely recovered. It took a lot of time dahil sa age nya. And he told me, he's ready to work again.

Nag dinner lang kami sa bahay. With Jennie and Cora. They played a big part in the company. Kung wala sila, baka hindi ako nakasurvive sa office.

Nasa pasilyo kami ng bahay ni Dad. Nakaupo habang umiinom ng tsaa.

"Anong plano mo anak?" Sabi ni Dad sa akin

Suddenly, I felt so emotional. Isa lang naman ang nasa isip ko. Si Savy.

"Si Savy Dad, gusto ko na syang makita. Gusto ko na syang makasama" sabi ko dito. Uminit agad ang gilid ng mata ko, at di katagalan ay tumulo na ang luha na pinunasan ko kaagad

"Sorry anak ha, kinailangan nyo pang humantong sa ganyan ni Savy. Kailangan mo pang mag sakripisyo para sa negosyo ko" tumingin ako kay Dad ng sabihin niya iyon and smiled at him

"Madami akong natutunan Dad. Atleast I got to experience things during my office era" sabi ko dito

He tapped my shoulder. We heard mom called him kaya nagpaalam ito na papasok na sa bahay.

Tahimik lang akong nagmamasid sa mga tala sa langit. Kinuha yung box na nasa bulsa ko ang opened it.

The pink gem stone still shines like the first time I saw it.

"You didn't ask her that night ano?" Napatingin ako kay Cora ng magsalita ito, di ko namalayang nasa likudan ko na pala sya.

Ngumiti lang ako ng tipid dito bago isinara ang box. Put it in my pocket again.

"That's not the right time" sagot ko dito

She sat beside me.

"I wonder If I can still ask her after everything" sabi ko pa dito

Natatakot ako. Natatakot ako talaga. Paano kung madami ng nagbago. Paano kung hindi na ako.

"You won't know unless you try" sabi pa nito

"Limang beses pa lang akong natakot sa buong buhay ko. At tatlong beses doon, si Savy ang dahilan" sabi ko dito

Nakatingin lang ito sakin at nakikinig.

"At ito yung pang lima Cor"

Sumandal ako sa balikat nya. She gently put her arms on my shoulders and tapped it repeatedly

"Kaya mo yan Jho. When everything doesn't go in your favor. You can come back to us" sabi pa nito making me smile

Cora played a big role in my life. She's my person to go whenever I need someone. She took Mikhas place simula nung nagpunta ako sa Japan. And I'm thankful I have someone like her.

"Ang landi" napatingin ako sa babaeng naka cross arms sa likod

At natawa ng makita ang expression nitong hindi maipinta.

"Pag inggit, pikit" sagot naman ni Cora dito

Napailing na lang ako, magsisimula na naman yang dalawang yan. Akala ko nonchalant si Cora pero nung dumating si Jennie. Para na din syang naging version ni Jennie. Yun nga lang, mas may control si Cora sa expression nito at mas mahaba din ang pasensya nya. Hindi alam ni Jennie yung word na pasensya.

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now