Chapter 33

1K 34 24
                                    

Morning came. I groaned as I felt my head being hammered. I slowly opened my eyes to see a goddess. Napakaamo ng mukha, parang baby.

Baby ko. Sheesh.

Ang ganda talaga ng Savy ko.

I removed the strands of her hair at inilagay ito sa likod ng tainga nya.

My movement made her open her eyes. Ilang segundo din itong tumitig saken bago kinusot ang mata nya.

"Good morning" bati nito sa akin "Your room screams my name" dugtong nya pa sa sinabi niya

That's when I realized that I have all my Savy fan girl things on this room. May sarili akong bookshelf for all her magazines.

"Everything in me, screams your name" pagtatama ko sa sinabi niya. I heard her chuckle

"May hang over yan pero nakakabanat" sabi nito bago bumangon sa higaan at nag stretching

I massage my temple. The headache is killing me

"Tara na Love, order tayo soup" aya nya saken. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya palabas ng kwarto

Buti na lang. Nagluto na si Gian ng Hang over soup. May nakahanda na ding gamot para daw di na ako bibili.

"Pwede pala mag staycation dito e" sabi ni Cole na kagigising lang din

"Ay sa true. Pwede nga palang dito na lang tayo magbonding. May privacy for our sikat na girlies" sabi pa ni Mikha na kakalabas lang sa kwarto nila ni Aliah, looking at Savy and Loi

"We can talk about that in some other time" sabi ni Gian

Naunang umuwi si Loi kasi may mga schedule daw sya sa hapon. While the rest stayed until afternoon bago inihatid ang mga Jowa nila.

I an Savy went home to her condo.

Savys' POV

The semester has ended. Christmas break has started and katulad ng napag-usapan. Pupunta kami ni Jho sa New York para ma meet nya si Mommy.

Magkakilala na naman sila. Nagkaka videocall sila. Pero hindi pa sila nagkikita in person.

"Love, okay na gamit mo?" Tanong ko kay Jho na nakatitig lang sa maleta nitong nakabukas. By the looks of it. Mukhang matagal tagal pang ayusan ang gamit nya. She just looked at me with that puppy eyes.

Tinapos ko lang ayusin yung gamit ko at inayos ko na din yung kanya. She's not good at organizing stuffs lalo na kapag gamit nya. Ang kaya nya lang ayusin ay wires and other things na may kinalaman sa gadgets.

Pumalakpak ito ng maisara ko na yung maleta nya kaya napailing na lang ako.

Mamayang 4pm ang flight namin. Alas onse pa lang ng umaga pero minabuti ko ng unahing ayusin ang gamit kaysa may maiwan kaming dalawa.

Halos 16 hours ang tagal ng byahe kaya bukas na kami makakadating doon.

---
Jhos' sleeping on my shoulder. It's been like 2 hours simula nung lumipad yung eroplano. At medyo nangangalay na ko. To kill the boredom that's been bugging me kanina pa. Kinuha ko na lang ang tablet at nag sketch ng designs.

Para madami akong reserve. I've been thinking about concepts for my collection. Madami dami na din akong panglagay sa portfolio.

"Love, aren't you sleepy?" Umayos ng tayo si Jho and I can see her looking at me through my peripheral vision

"Nope Love, tulog ka pa" sabi ko dito habang tinutuloy ang pagsketch

"Hmmm, i had enough. Mag proprogram na lang din ako" sabi nito at kinuha ang laptop nya at nagtatype doon

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now