Chapter 27

1K 36 9
                                    

Our vacation has ended in a blink. Ganon yung pakiramdam ko. It's sunday morning and nakauwi na kami sa condo ni Savy.

Ipinagluto ko sya ng food. Since she started doing her miniature kasi nga, kinuha ko yung ibang oras nya. So here she is, hapit na hapit sa pag de-design.

I also have something to do with my major subjects so parehas kaming busy ngayon.

"Love, I have to go somewhere" sabi pa nito habang hinahalwat ang bag nya

Tumayo ako sa kinauupuan ako

"Sama ako" sabi ko dito at kinuha yung key na nakasabit sa pintuan nya

"You sure? May ginagawa ka ata e" paninigurado nito saken

"No Love, samahan kita" tumango lang ito at lumabas na kami ng condo

"San ka pupunta?" Naglalakad na kami papunta sa elevator

"Sa bilihan ng tela. Ang tigas kasi nung tela na balak kong gamitin sana sa skirt part nya. Okay sana yung design pero ang hirap nya i-pull off. And feeling ko, it'll be heavy for the model" sabi pa niya

"Hmmm, okay. First time ko pupunta don. Kinda excited" sabi ko pa dito

Sumakay na kami sa kotse and sya na nag set up sa map ng pupuntahan. Medyo malayo sya ha. Buti na lang sumama ako.

Savy is busy reviewing her design. Kaya di ko na sya dinaldalan.

Nag focus na lang ako sa daan

Nakarating kami sa bilihan ng tela daw. Namangha pa ako pag pasok kasi. Napakadaming tela talaga. Tapos ibat ibang design. Ibat ibang color.

Natawa na lang si Savy sa reaction ko.

Nagpunta sya doon sa staff and nagtanong. Tapos sumunod kami sa kanya. Pinakita nya samin yung hinahanap na tela ni Savy. Nag thank you lang si Savy kaya iniwan na kami nung staff

Nagpunta sya doon sa mga tela and held it. Sobrang focus naman.

Feel ko. Iniimagine nya yung tela sa design nya. Dala nya din pala yung tablet nya with her design. Nakailang lipat din sya bago sya ulit lumapit doon sa staff at sinabi yung bibilhin nya. May mga instructions pa sya na hindi ko na masyado naintindihan.

"Love, you okay?" Tanong nito saken matapos makipag usap sa staff

"Oo naman Love" sabi ko sa kanya at ngitian sya

"Hmmm okay, you can go back na sa car. Open the AC. Bayad lang ako tapos ipapadala ko sa kotse yung binili ko" sabi niya

Tumango lang ako at sinunod yung sinabi niya.

--
Nagdadrive na ko pauwi

"Love, you look cute kanina" sabi ko sa kanya

Natawa naman sya sa sinabi ko

"Sus, ikaw ha. Crush mo na naman ako" asar nya din saken pabalik

"Hays, sobrang attractive mo pala kapag focus na focus ka no?" Banat ko pa sa kanya

Pabiro nyang hinampas ang braso ko. Kinikilig yan.

"Ouch, ang biceps ko" biro ko pa at mas lalo nya lang akong tinawanan

"Naks. Kay master lang magpapa headlock" nagulat ako sa sinabi niya at kasunod yung tawanan naming dalawa

"Saan mo naman napulot yon?" Tanong ko sa kanya matapos makabawi sa banat nya

"Wala, nakita ko lang sa social media"

"Ikaw ha. Natututo ka na ding bumanat. Mamaya nyan talo mo na ko" sabi ko dito

"Tsk, kailan ka ba nanalo Love. Ay, nung sinagot pala kita. Panalo ka na" banat nya ulit

Ilang beses pa syang bumanat at bentang benta naman sakin. Hindi ko alam kung saan nya natututunan yung sinasabi niya kasi sa totoo lang. Hindi mo aakalaing manggagaling yon sa isang Savy

--
Binuhat ko yung tela na binili nya. Hindi naman mabigat. Balik na ulit kami sa kanya kanyang gawain.

I'm kinda sleepy na din. Pero mukhang hindi dinadapuan si Savy ng antok. Samantalang nakakailang hikab na ko

"Love, you can go to sleep na" sabi niya saken

Sinara ko yung laptop ko at tumabi sa kanya sa may sofa.

I hug her sideways and kiss her shoulder

Medyo nagulat naman sya sa ginawa ko. Siguro kasi, first time ko syang kiniss doon

"You want cuddles?" Tanong nito saken

Tumango naman ako.

"Saglit lang ha" sabi niya pa

"Love, do you need help? I can help you in cutting fabrics" suggestion ko pa dito

Umiling lang ito. Then nagstart na syang magligpit kaya bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya para makakilos sya ng maayos

Pumunta naman ako sa kwarto at inayos yung hihigaan namin. And there, sumunod na din sya sa wakas.

Humiga na kami pareho. Nakaunan sya sa braso ko. I kissed her in her head. Wala pa atang ilang minuto ay tulog na sya

Nauna pa sa akin. Halatang pagod na.

"I love you" bulong ko dito at pumikit na din

---
Gumising akong maaga. Nag prepare ng breakfast and lunch ni Savy.

For sure. Wala na yang time magpunta sa cafeteria. Diretso sa studio nila para tapusin yung ginagawa nya. Kaya nagprepare na ko ng lunch for her para tipid sa oras.

Nauna na din akong maligo. I let her sleep a little bit more.

And after ko sa lahat ng gawain. Ginising ko na sya.

"Loveeey, gising na. You'll be late sa school" sabi ko dito

Di pa man namulat ay hinila ako nito at niyakap na nakapag patawa saken

"Hmmm, kapag hindi ka tumigil. Makaka absent ka sa class mo" banta ko dito kaya bumitiw ito saken at bumangon na

"Bango mo kasi. Agang maligo" sabi niya pa bago nagdire-diretso sa bathroom

Naghanda na akong plates sa lamesa.

Nakangiti itong lumabas sa kwarto niya ng nakabathrobe pa.

Nag iwas naman ako ng tingin.

Ano ba yan. Such a tease.

Tinawanan lang ako nito bago pumasok ulit sa room.

---
"Sweet naman ng Jho ko na yaaan" sabi nito sabay kapit saken habang naglalakad kami papunta sa parking

"Syempre, ikaw na yan e"

Inihatid ko sya sa studio nila para ilagay doon yung materials ni Savy. Bago ako nagpaalam kasi may class din ako ng 8 am. Minor Subject lang naman. Kaklase ko si Mikha

Pagpasok ko sa classroom. Kitang kita ko na agad ang mapula nitong buhok

"Aga mo ah" bati ko dito

"Have training in the morning. So.. saan kayo nagpunta ni Savy?" Pang-uusisa nito sa pinuntahan namin

Kaya natawa ako. May pagka chismosa din ito e

"Beach. It was so fun" sabi ko pa dito

"Wow ha, di man lang nagyaya" sabi pa nito

She felt betrayed

"Aayain kita eh first trip nga namin yon" sabi ko pa dito

Nagmake face lang sya. Tatampo pa yan.

"Sayang. Kung alam ko lang. Di sana sumunod kami ni Aliah. Total wala naman akong training nung weekends" sabi pa nito kaya natawa na lang ako

"Eh di sana. Umalis kayong dalawa. Yung kayo lang" sabi ko dito

Nagbangayan pa kami. Natigil lang nung dumating na yung professor.

---

Short update again. Bawi me soon.
Tsaka baka magka revisions. Because I'm starting to write the next books.

Thank you💗

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now