Chapter 54

777 35 45
                                    

JHO

Nagising ako at unang bumungad sakin ay ang puting kisame.

So tuluyan talaga akong nawalan ng malay that time

I scanned the room. I'm alone here, hindi ko alam kung sinong nagdala sakin dito. All I remember was the panic I caused earlier. Lalo akong nasuffocate nung pinalibutan ako ng mga tao e. Ayoko na maulit yon.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Revealing Mikha na mukhang nagulat pa dahil gising na ko. She went near me.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya sakin

"Okay lang ako, wag ka nang mag alala" sabi ko dito

Mukha namang nakahinga sya ng maayos ng sabihin ko iyon

"Nagugutom ka ba? Kain ka muna?" Tanong nito sakin

Umiling ako dito

"Maya maya na lang siguro Mikhs" sagot ko sa kanya

Nanahimik naman sya at kumportableng umupo sa silyang nasa gilid ng kama ko.

Nakatingin lang ito sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip nya ngayon. But I'm sure, kaya hindi yan umiimik, kasi pinag iisipan nya kung anong sasabihin niya.

"If you'll ask me what happened, hindi ko pa kaya Mikhs" sabi ko dito

She sighed in defeat.

"You know what I'm thinking na ha.
Okay fine. Basta pag kailangan mo ko. Nandito lang ako" sagot niya bago inilabas ang phone at nag cellphone na lang

"Gusto mo na ba sumama sakin pauwi?" Tanong muli nito sakin pero agad akong umiling

I want to stay here longer.

"No, please tell them I'm doing good. Uuwi ako soon" sabi ko pa sa kanya

She just nodded.

Mikha told me not to stress myself so much. Sabi niya, nahimatay daw ako kasi nag panic ako. Panic attack for short.

She helped me until I got out of the hospital. Inihatid nya pa ako sa bahay and told me na tawagan ko sya if ever I need someone. Tsaka bibisita daw sya dito from time to time.

---
Nakaupo kami sa veranda ng bahay. Mikha and I are drinking beers right now.

Oo, bumalik sya pagkatapos ng ilang araw.

"May something ba si Cora at yung childhood friend mo?" Mikha asked out of the blue kaya napatingin ako sa kanya at medyo natawa

"Chismosa ka na ngayon ha" sabi ko dito

"Luh, ay sa ang weird ng pakiramdam ko pag nakikita ko sila e. Parang may something talaga" sagot niya pa

"Hindi ko din alam e. Inaasar ko silang dalawa sa isat isa. Maybe, may epekto yon sa kanila. Nadala sa suhol ng kaibigan is the term" sagot ko pa

Natahimik na naman kaming dalawa.

Huminga ako ng malalim. It's been weeks na din kasi. And alam kong they're dying to know what happened.

"I saw someone kissing Savy" panimula ko that made her face me. Kulang na lang mabali leeg nya sa sobrang bilis pumaling

"Ha?" Tanong nito sakin

Napairap naman ako. It took a lot of courage para sabihin yon tapos mag ha lang sya sakin

"Someone kissed her" paguulit ko pa dito

Kumunot ang noo nito saglit.

"Tapos?" Tanong niya sakin

"I malfunctioned. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko Mikhs. Parang tumigil lahat nung makita ko yon. Tapos paulit ulit na nagreplay saken yung tawa at ngiti niya matapos syang halikan nung guy" sabi ko pa kay Mikha

Decoding the Super Model Coded (BINI Series #1)Where stories live. Discover now