Epilouge

0 0 0
                                        

Lacey's POV

"Ang ganda naman ng mga Anak ko. Sa venue mamaya, picture-an ko kayo." ani ni Mom ulit, pang ilang pictures na kaya namin 'to ni Lacey sa phone niya.

"Mom, let's eat our favorite carbonara!" Kasey excitedly said while making faces at me.

"Hmm, sounds okay to me." I agreed and winked at her.

Kuro's POV

"Bye, bros!" huling sinabi ko sa mga kaibigan ko bago sumakay sa motor ni Itay. Buti nga kasya pa rin kaming tatlo rito.

"Toy, si Lola mo excited na makita ka. Maaga gumising 'yon para mag ayos at nagp-plano ng lulutuin kagaya ng mga paborito mong pagkain sa handaan mamaya." paliwanag sa 'kin ni Inay, ngumiti naman ako nang malaman iyon,

"Miss ko na luto ni Lola, 'Nay."

Seht's POV

"Don't worry, you should stay here. Alam kong marami ka pang aasikasuhin dito." I initiated. I really don't mind being alone. I'm kinda used to it now, it's no big deal for me.

"What and leave you all alone in such an important moment like this? I'm your... Mother." she refused, "Let's go home and celebrate your big day."

Kaya's POV

"Ma!" sigaw ko kay Mama na nagaantay sa 'kin sa labas.

"Bakit hindi mo kasama mga kaibigan mo? Ang dami ko pa namang niluto sa bahay, balak ko sanang imbitahan sila." nakasimangot agad ang mukha ni Mama, "Ma, may sari-sarili silang celebration. 'Wag mo na sila hanapin, andito anak mo oh!"

Naka pout pa ako niyan.

Craeji's POV

"Isa pa." tugon ni Mama habang pinipicture-an kami ni Nami, uuwi na lang talaga Ma.

"Naku! Parang noon lang sabay pa kayong maligo sa Cr. Parang magkapatid na." sambit ni Tita Aurice sa tabi ni Mama, nanay ni Nami.

Nagkatinginan naman kami ni Nami at sabay natawa.

"Ma, panahon pa ng Mesopotamia 'yan e!"

Nami's POV

"Bye, Crae, bye Tita Mau!" paalam ko sa kanila bago pumasok sa bahay.

Ang dami ring pinagbago simula nung umalis ako.

"Congratulations!" sabay sabay silang sumigaw at pinaputok ang confetti popper.

"Ate, gift ko po!" binigyan naman ako ng papel na may naka drawing na mukha ko ng bunso kong kapatid.

Knox's POV

"Thank you." I said to our trusted butler after he opened the car door for us.

"I wanted to follow your order, Sir. But she started acting uncontrollably when I told her we couldn't attend your graduation ceremony." he explained while we drove away from the Academy.

I nodded, "I understand. I'm sorry you have to go through all that."

Tumingin si Lola sa 'kin at tila ba naiiyak, "Apo, you don't expect me to not attend today because of my health problems ah. Malakas pa rin ang Lola mo."

"Patawad po, Lola." I apologized as she kissed my forehead.

Yseult's POV

Dad was the only one talking while we're having dinner and you know what's the topic about?

Obviously, It's me and Hiro.

And I swear to God, gusto ko na lang magpalamon sa lupa habang kinukuwento ni Dad yung mga pinaggagawa ko noong mga araw na 'yon.

"Dad, please stop." I looked at Hiro when I realized he was already looking at me and smiling ear to ear.

Fuck it.

Franchezka's POV

"Budang!" dali dali kong inalis ang sandal ko at niyakap ang Aso namin, "Ang taba taba mo na!"

"Kung alam mo lang paano ka mamiss niyan, tahol nang tahol sa labas ng gate. Inaantay uwi mo." paliwanag sa 'kin ni Mama,

"Tara na sa kabilang bahay, kanina pa sila nag aantay."

Yehirah's POV

"Thank you, Da, Mi!" kiniss ko sa cheeks si Dadi at Mami nang regaluhan nila ako ng maliit na Pusa.

"Ano ipapangalan mo sa kaniya?" tanong ni Dadi,

"Siguro... Cleone!"

Leary's POV

Kumaway ako sa mga kaibigan ko, pahiwatig na aalis na ako.

"Ate, kaninong kotse 'yan?" nakakunot noo kong tanong kay Ate nang binuksan niya ang pintuan paloob ng sasakyan na hindi ako pamilyar.

"Pasok na." senyas ni ate, hindi na lang ako nagmatigas at sumunod na lang.

Pagpasok ko, isang pamilyar na lalake ang nasa drive seat.

"Ate, sino 'yan?" pabulong kong sambit kay Ate para hindi ako marinig nung lalake.

"Nakalimutan mo na si Kuya?" bigla namang nagsalita at humarap ang lalakeng nasa drive seat.

Si Kuya nga! "Hala gagi!" wala sa lugar akong napamura sa gulat nang mapagtanto kong si Kuya nga talaga 'to.

Mabilis akong umangat at niyakap siya.

Teka?!

"Sabi ko na nga ba ikaw 'yon, Kuya!" sambit ko at tinuro siya. Siya nga! Siya yung pamilyar na Doctor sa clinic noong nahimatay si Knox, siya yung naka mask na Doctor!

"You finally figured that out." tanging sagot niya lamang sa 'di mapakaling isipan ko, "Pero Kuya bakit hindi ka nagpakilala sa 'kin no'n?"

"Long story short, the Principal there said not to. She said it's part of the rules. Though I didn't really care about that, I still tried approaching you. Pero hindi na puwede, kailangan nang umalis ng Kuya mo dahil duty sa mismong hospital." sagot niya sa 'kin,

"I also tried informing you through socials pero ang magaling mong Ate, sinabing surprise na lang daw." ani pa niya, natawa naman si Ate sa tabi ko.

"Wow! Galing ah, pero sorry Kuya hindi kita namukhaan no'n. Ang tagal din kasi nating hindi nagkita. Bata pa siguro ako nung umalis ka!" paliwanag ko naman kung bakit hindi ko siya nakilala noong araw na 'yon.

"Sus. Parang 'yon lang, tara sa Jollibee." sambit niya at pinaandar ang sasakyan. Napatili naman ako sa saya.

Fudge's POV

"Ma, may naging kaibigan ka rin ba noong high school ka?" nakukuryos kong tanong sa nagmamaneho na si Mama.

"Siyempre naman. Marami pa kami no'n, 'nak. Nakakamiss din." sagot niya, "Saan na po sila ngayon? Naguusap pa rin ba kayo?"

"Ngayon? 'Nak, ang tagal na no'n. Nagkakalimutan na, hindi ko na nga halos maalala mga pangalan nila." aniya, natahimik ako.

Gano'n din kaya kakalabasan ng circle of friends namin? Ang magkalimutan? Hays, iniisip ko pa lang parang nalulungkot na 'ko ah.

Ano kaya nararamdaman nilang ngayong maghihiwalay na kaming lahat? Sa loob ng isang taon na magkasama kami, imposibleng hindi sila nalulumbay.

Bahala na siguro si Batman.

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon