Chapter 10: Destination

14 1 0
                                        

Leary's POV

Nandito na kami sa OkadaCamps, obviously, dito kami mag f-field trip. As of now, nag-aantay pa kami sa last bus na darating.

Ang tagal tapos ang init pa.

"Ugh! Matagal pa ba yung last bus? Namumula na yung mukha ko!" sigaw ni Fitz habang nakasilong ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.

"Ayan na oh." sambit ko sabay turo sa paparating na bus.

"Thank, God."

Nang bumaba ang mga tao rito, sabay sabay nag sigawan ang kabi-kabilang section. Hindi ko gets, sino ba 'tong mga lalake na 'to?

"AAAAAHHHHHHHHHH! BILLY! I LOOVEE YOUU!!"

"TANGINAMO COY AKIN KA LANG!"

"ANG POGI MO ARCHILLES!"

Rinig kong sigawan ng mga ibang studyante rito, napa kunot naman ako ng noo nang marinig ang pangalan na 'yon.

"Archilles? 'Di ba crush mo 'yon, Kaya?" ani ko. Tinignan namin ito at nadatnan namin ang maliit na ngiti na bumubuo sa mukha nito.

Hahaha! Kilig.

"O to the M to the G! Don't tell me isa rin siya sa mga Bcoyar?" sambit ni Gale.

"Bcoyar? Ano naman 'yon?" nakakunot noong tanong ko,

"Isa sa mga popular bands 'no, pero nakakapagtaka rin. Hindi kasi si Archilles ang kilala kong pangatlong member ng Bcoyar."

"Baka ako 'yan, huh?" pagbibiro ni Kuro.

"Ayaw paawat." ani naman ni Yseult.

Nahinto naman doon ang usapan namin nang lumapit si Archilles kay Kaya.

Wow, taray! Mala K-drama.

Kaya's POV

Hindi ko napansin na kinakausap na pala ako ni Leary dahil sa sobrang lalim ng titig ko sa kaniya, kay Archilles.

"Ang pogi niya." bulong ko.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin, what the! Kinikilig ako na may halong pag-aalala. Paano na yung mga baby girls niya? Ay, bahala na! Mainggit lang kayo.

Pansin ko rin na biglang tumahimik ang sigawan at ang lahat ay nakatingin sa amin.

"Girlfriend ba 'yan ni Archilles?"

"Hindi ah, baka bff niya lang."

"True, ina-announce kaya ng Bcoyar kapag may girlfriend sila, duh!"

"Eh? 'di ba bago 'yang si Archilles sa grupo nila? malay natin, gusto niya lowkey."

"Kung lowkey man 'yan, ang halata. Lapitan ba naman sa harap ng nagsisigawang mga babae rito."

"Right?!"

Rinig ko ang mga alitan ng mga tao, shux! Baka mag viral pa me ha. Ano ba kasing meron? Bakit ako nilalapitan nito?

"Long time no see, Kaya. You look good today." ani nito na dahilan nang mabilis na pag tibok ng puso ko, aish! Kainis 'to!

"A-ah thank you... ikaw rin, Archilles." utal utal kong sagot, e kasi naman!

Nginitian lang ako nito at umalis din kaagad.

"Shesh! May ka loving loving ka na pala ah, hindi nagkukuwento." sambit ni Kuro.

"You two are cute together." ani naman ni Yseult.

"Oy hindi ah, manahimik nga kayo!" pagkukunwari ko habang palihim na nakangiti,

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon