Chapter 27: Small Mistake

1 0 0
                                        

Fudgee's POV

"Look, bro. You don't know how hard it was to sneak this in. Ang strict ng mga guard, it's almost 12 na bro! Huwag kang mag reklamo riyan na kesyo matagal." sambit ko pa at inilagay ang mga baso, ito lang kinayanan e. "Sus, sige na nga." ani naman ni Knox at sinimulang buksan ang Soju na palihim at patago kong ipinasok sa academy galing sa labas. Mabuti na lang at walang guwardya ang nakapansin. Pangatlo na namin 'to ni Knox, ang pinagkaiba lang ngayon, wala si Kuro dahil maagang bumagsak sa higaan niya.

"Bakit hindi pa kayo tulog?" napahinto si Knox sa pagbukas nito nang makita kami ni Yseult, here we go again. Pangatlo na rin ni Yseult 'to na makita kaming umiinom, ewan ko ba kung sinasadya niya 'to o ano. Wala namang problema kung makita niya kaming nasa ganitong sitwasyon, pero mas halimaw pa ata 'to uminom kesa sa amin e, "You guys didn't invite me again, ah." banggit pa nito at umupo, natawa naman si Knox at itinuloy ang pagbukas sa hawak hawak niyang Soju.

"A-alam mo... Yseult... simula ngayon, kukuwentuhan kita kapag n-na... nasasab-bayan mo na kaming u-uminom.." pautal utal ko pang sabi, ngunit alam kong nasa katinuan ko pa naman ako... kailangan ko lang ng tubig. Tumayo muna ako at dumiretso sa water dispenser para kumuha ng tubig at uminom.

"Ah... Sober na 'ko, I think... Kukuwentuhan na kita." ani ko, natawa na lang din si Yseult at napa shot. "You better not expose me, bro." sambit naman ni Knox.

"Noong maliliit pa lang kami nina Knox, kuro at ako. Hindi kami mapaghiwalay." pagsisimula ko sa kuwento at sumipsip ulit ng konting Soju na naiwan sa baso ko, napahawak naman si Knox sa noo niya,

"Noong araw na nawalan ng malay si Knox at idinala sa clinic, nagpaliwanag si Kuro na ang dahilan kaya wala siya no'n ay dahil naghilamos lang siya pero kilala namin si Kuro at alam naming hindi 'yon ang totoong nangyari. Alam namin ni Knox may ginawa siyang katarantaduhan ngunit hindi lang kami nakakasigurado kung ano." sunod kong sambit, nakadalawang baso na agad si Knox nang tinignan ko ito.

"For real? I knew it, something was going on with him that day." pagsasangayon ni Yseult, "Yes, but I'm sure may rason siya kung bakit nagawa niyang magsinungaling at nagawa yung mga bagay na ayaw niyang malaman natin." giit ko.

6 YEARS AGO

"Tara na, Doll! Sandali lang naman tayo e, sumama ka na! please..." pagmamakaawa pa ni Kuro, nagpacute pa para lang makasama si Doll sa amusement park.

"No, I can't... My parents, you know what they are naman 'di ba?" pag-aalala naman ni Doll sa mga strikto niyang parents, hays hindi ko alam anong gagawin ko, parehas naman okay ang reason nilang dalawa e. Aalis na kasi si Doll sa pilipinas at gusto lang naman namin na makalaro at makasama siya bago pa sila umalis ng pamilya niya papuntang Canada, kaya ngayon pinipilit ni Kuro si Doll na sumama. "Leave her alone, Kuro. Besides, she's right. We'd be in a big trouble if her parents, specially her Dad knew about what we're about to get ourselves into." ani naman ni Keyo, ang kuya-kuyahan naming lahat.

"Pero, Keyo... last bonding na natin 'to oh at tsaka hindi pa nakakapunta si Doll doon." sambit ni Kuro at napayuko, dala ng pagkalungkot nito, "Please..." huling banggit pa nito habang nakayuko pa rin.

"I can't resist your cuteness, Kuro! Okay, let's go to this amusement park!" maenganyong sagot ni Doll at napasigaw naman si Knox, "Yes! Oh, right." natawa na lamang kami ni Keyo, ayaw pa magsalita ih!

"Are you sure about this, Doll?" tanong pa ni Keyo bago kami makarating, "Woah! So this is what you guys are talking about! So many kids like us, ang ganda! I wanna go there!" turo nito sa may sliding area.

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon