Leary's POV
"Gagi! First day of classes late ako? Bwisit!" unang lumabas sa bibig ko nang malaman kong 6 am na pala.
"Leary! Teka lang!" sigaw ni ate nang palabas na ako ng bahay, "Bakit uniform ko suot mo?"
"H-ha?" tinignan ko ang uniporme na suot ko nang napagtanto kong mali ang nakuha kong uniform sa sampayan, puta!
Hey! Leary Alerie nga pala, transfere student sa Monarch Academy. Katakot, paano kung ako lang ang nag-iisang transfere doon?
. . .
"Ang lawak naman nito." bulong ko sa sarili ko nang makaapak ako sa Main Hall. Ang daming studyante, yung iba parang naninibago pa.
Gale's POV
Nilibot ng dalawang mga mata ko ang paligid, akala mo palasyo. Napailing naman ako sa sakit nang may makabunggo sa 'kin.
"Sorry." aniya, nakasimangot pa.
Wow ha? Ikaw na nga 'tong nakabangga ikaw pa nakasimangot ngayon? Gosh.
"Sana next time, tignan mo nilalakaran mo." pagtataray ko sa kaniya. Bigla naman itong yumuko at umalis, "Pasalamat ka Kuya, may itsura ka. Pero not my type." bulong ko sa sarili ko.
Nami's POV
"Bilisan mo!" sigaw ko sa kaibigan kong si Craeji habang tumatakbo papasok ng Main Hall.
Sa gitna ng habulan namin, bigla akong nadapa, ahh bwisit! Napaluhod naman si Craeji sa hindi mapigilang tawa niya.
Ah gano'n. Pabiro ko itong inirapan at umalis.
"Teka lang, gago!" mura niya.
Huminto ako saglit at pinakyuhan siya.
Craeji's POV
"Beh, tignan mo, hindi pinapapasok." sambit ko kay Nami nang mapansin kong hindi pinapapasok yung isang lalaki sa likod namin.
"Ikaw talaga, kung ano ano na lang napapansin. Mamaya kaklase pa natin 'yan e." aniya, "Tara na, malalate pa tayo."
Franchezka's POV
Akala ko ba first day of classes ngayon, bakit mag isa ko lang sa room na 'to?
Napatingin ako sa cellphone ko at natawa na lang dahil sa sobrang katangahan ko, napagtanto ko lang naman kasi na 7 am pa pala ang simula ng mga klase at 5 am pa lang nandito na ako.
"The heck."
Yehirah's POV
Hindi ko na alam kung saang banda na ba ako ng paaralan na 'to. Tama ba mga desisyon ko sa buhay? Aish.
Naglalakad ako ngayon sa isang hallway nang may nakasalubong akong babae, yay! I can ask questions na.
"Ah, miss? anong floor yung Room A1 at saan yung hagdan dito?" tanong ko. Bigla naman nitong inusisa ang katawan ko mula ulo hanggang paa, luh? Scanner yarn.
BINABASA MO ANG
Thirteen Pets
RomanceA school where the friend group called "Thirteen Pets" met. They created memories within each other; where such unexpected things keep happening. The memories that make the friendship going and growing.
