Chapter 22: Wound

4 0 0
                                        

Kuro's POV

Tatayo na sana ako at kinakapa si Knox sa likuran ko nang bigla naman ako nakarinig ng ingay na nagmumula sa iba pang mga studyante. Nang lumingon ako, nahuli ko nang nadatnan na nakahiga na si Knox at walang malay.

Mabilis akong tumungo sa kaniya, "Knox! Knox!" malakas na sigaw ko, "Tangina, Knox. Siraulo ka ba?!"

Kaya's POV

Mabilis ang pangyayari, ni hindi ko maigalaw ang dalawang paa ko nang mapagtanto kong ang studyanteng sumugod—ay walang iba kun'di ang kaibigan namin, si Knox.

Bumalik ako sa sarili ko nang mapansin kong mabilis na tumakbo si Fudge patungo roon, pati na rin ang iba ko pang mga kaibigan.

Binitawan ko ang dala dala ko at mabilis na sumunod. Hingal na hingal akong napahinto, nakatayo at matagal na nakatitig kay Knox, na ngayon ay karga karga na ni Seht.

"He'll be fine." ani ng pamilyar na boses, "He's a cool guy, I could never do that."

Pasulpot sulpot talaga 'to kahit kailan.

"You know wiping your tears won't hide that swollen eyes, right?"

"H-ha? E hindi naman ako naiyak." pagsisinungaling ko at pasimpleng tumalikod sa kaniya. Bwisit na mata kasi 'to, ang bilis mamaga.

"Let's go." tugon nito at hinawakan ang kamay ko, "Saan tayo pupunta?" nalilito ko namang tanong,

"Your arm is bleeding." sagot niya, nang makita ko ang kaliwang braso ko na nagdudugo nga talaga.

Pa-fall ka, Archilles.

Fudgee's POV

Mabilis akong tumakbo upang malaman ang nangyari. Nalito naman ako nang masilip at marinig kong pinagmumura na ni Kuro ang walang malay na studyante.

Sumiksik ako sa mga studyanteng pumapalibot sa kanila, mabilis naman akong napatigil at napaluhod nang malaman kong si Knox pala ang kanina pang nakahiga sa paanan ni Kuro.

Napayuko na lamang ako at hinawakan si Kuro sa likod.

"Kilala niyo naman 'yan si Knox, malakas 'yan." kinarga ni Seht ang walang malay na katawan ni Knox.

"Students, stop gossiping and go back to your dormitories now." malakas na sigaw at pahiwatig ni Ms. Alove.

Nagsitabihan naman kaming lahat ng maraming mga pulis ang dumating at hinuli ang dalawang lalaki.

Salamat kay Knox, walang nasaktan kahit isa sa mga studyante. Huli ko namang napansin na wala na si Kuro sa tabi ko,

"Tangina."

Leary's POV

Tahimik kaming nakaupo ngayon sa labas, habang si Knox ay nakahiga at wala pa ring malay sa loob ng patient room.

"Nasaan si Kuro at si Kaya?" pag tigil ko sa kanina pang katahimikan na pumapalibot sa amin ngayon. Pansin ko rin na wala si Kuro at si Kaya, kaya siguro walang maingay.

"Hindi ba nasa tabi mo lang kanina si Kuro, Fudge?" nakakunot noong tanong ni Seht habang nakatingin kay Fudge na nasa magkabilaang upuan.

"Bigla na lang siyang nawala, hinanap ko naman ngunit hindi ko pa rin mahanap." paliwanag ni Fudge.

"Si Kaya? Wala bang nakakita sa kaniya?"

"Nakita ko si Archilles kasama siya kanina, pero hanggang do'n lang. Sa sobrang dami ng studyante kanina, 'di ko na namalayan sa'n sila nagpunta." sinagot naman ako ni Fitz.

Ilang minuto ang lumipas, ang iba sa amin ay nagseselpon na gawa nang kaboringan sa pag aantay.

Maya maya ay bumukas ang pinto at lumabas ang isang Doctor, naka mask at pamilyar ang mga mata nito. Hindi ko na lang pinansin kasi mas nakuha ng atensyon ko ang isang lalake na naka full suit at nakatayo sa gilid ng kama ni Knox at nakatingin sa kaniya.

Butler ba 'yon?

Akala ko hindi pa puwedeng pumasok ang kung sino man maliban na lang sa mga Doctor at Nurses?

Napatayo naman kaming lahat, itinigil ang pagseselpon. "Doc. How is he doing?" tanong ni Yseult, nagaantay naman kami sa sagot ng Doctor.

"His head was bleeding a little due to hitting his head hard, but no worries. He'll be fine, he just needs to rest."

"His head was bleeding?" nalilito kong sambit, napatingin naman kaming lahat kay Seht, "I know, I'm sorry. I didn't tell anyone. This is what Knox wanted. He doesn't want any of you worrying about him, alam kong mali pero—"

"Ayos lang." hindi natapos ni Seht ang sasabihin niya nang bigla akong nagsalita, "Pero sana sa susunod, puwede bang sabihin mo sa'min? Kahit na ayaw pa ni Knox. Kaibigan niyo rin naman kami e." ani ko, nakakalungkot lang kasi. Lalo na't may mas malala pang posibleng mangyari at wala man lang kaming ka-alam alam.

"Hindi gano'n 'yon, Leary. Alam kong kaibigan namin kayo at pasensiya na kung hindi ko nasabi. Even if I wanted to tell you guys, I can't just ignore what he said. He's a pain in the ass, you know? I'm sorry." pagpapaliwanag ni Seht. Inakbayan naman siya ni Fudge at naka like sign, "Gets kita, pre."

Hingal na hingal namang tumakbo si Kaya papunta sa amin, "Where is Knox? Ayos lang ba siya?"

"He's inside. All of you can go now, don't wake him up. I'll have to go now." sambit ng Doctor, nagpasalamat naman kaming lahat at tumungo na sa loob.

Pansin ko rin na wala na ang lalakeng kanina lang ay nasa loob. Kailan pa umalis 'yon? Hmm.

Gale's POV

Tinatanong ko si Kaya anong nangyari sa braso niya habang papasok kami sa loob, "Nadaplisan lang hehe, 'di naman masakit." sagot nito,

"Baka kinikilig ka lang kaya 'di mo maramdaman yung sakit." sabat naman ni Craeji habang palihim na ngumingiti,

"H-ha? Anong kinikilig?" nalilitonf tanong ni Kaya,

"Pabayaan mo na 'yan, alam mo namang may saltik 'yan e." pahiwatig ko.

Pinalibutan namin si Knox na para bang may ritual na magaganap, "We're not supposed to do this... right?"

"Pffs!" sabay nang tahimik na pagtawa, "You guys are so weird."

"Teka! Gising ka na?!" maingay akong napatili at bigla naman kaming tumayo at pinalibutan siya ulit, "Obvious ba?" sagot naman ni gago, sabay naman kaming nagsitawanan lahat.

"Pero sabi ng Doctor bawal ka muna raw gisingin... nako, maingay ba kami masiyado?" tanong ni Fudge,

"Kanina pa ako gising." maikling sagot naman ni Knox.

"Anong nararamdaman mo ngayon, Knox? Balita namin dumugo raw 'yang ulo mo ih." nagaalalang mungkahi naman Yehirah,

"I'm okay, parang kagat lang ng langgam."

"I'm sorry." umimik ulit siya,

"It was my fault. I told Seht and begged him several times to not tell any of you guys if something bad happens to me. Ayaw ko maging sagabal."

"Wait, you heard us?" tanong ni Yseult, tumango nang marahan si Knox.

"Sa bagay, kanina ka pa gising." sambit pa ni Kaya.

"Edi kung gano'n narinig mo rin sinabi ko? Knox naman kasi e, huwag mong sabihin na sagabal ka. Kahit na umulan o umaraw, sa huli magkakaibigan pa rin tayo, dapat nagtutulungan tayo e." paliwanag ni Leary, tama nga naman. Hays, mga 'to talaga.

"Thank you, guys. Hindi na mauulit."

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon