Chapter 31: Bittersweet

0 0 0
                                        

Knox's POV

"Sa'n na ba yung gunggong na 'yon? Sabi niya cr lang siya e." ani ni Fudge, Kuro saan ka na ba? Baka magwala pa 'to rito.

Maybe I should talk to her.

"Bro, alis muna ako saglit." sambit ko sa nagmamaktol na si Fudge, "Kingina, pati ikaw? Sige, madapa ka sana." aniya, natawa na lang ako.

Saan kaya siya? Ang alam ko kasama nina Gale at Craeji 'yon kanina.

"Gale, kita mo ba siya?" mabuti at nakita ko agad si Gale, "Sinong siy— ah, nando'n." sambit niya at tinuro kung saan nakaupo sa may sulok si Nami na parang may inaantay, "Thanks, Gale."

We liked each other.

But that's just that. Both of us didn't like the word commitment.

We just liked the idea of being together.

"Hey." I said as I sat beside her, "How are you?"

She then looked at me and smiled, "Okay lang naman ako, ikaw ba?"

"I'm fine." I answered, "You don't like crowded places." I muttered, "H-ha?" she said, confused.

"Are you sure you're okay?" I asked again, "Are you waiting for someone?" and again,

She didn't respond, she looked at me blankly.

"Knox." she finally said something, "Let's be friends." dagdag pa niya.

"Alam natin pareho na napaka complicated nung nangyari sa ating dalawa, and we can't blame ourselves because we're just human too, we have feelings. And what happened between us doesn't make us less of a person. I love you, Knox, as a friend." she stopped for a second and continued,

"We can start all over again, Knox. Let's be friends, puwede ba?" she then asked for my hand, I laughed.

"Shake hands? Alam mo ba 'yon?" pang aasar niya sa 'kin,

"Thanks, Nami."

We just sat there and laughed at each other's jokes about what happened to us.

This is it. This is where we should be.

Craeji's POV

Pagkatapos ng graduation ceremony, nauna akong pumunta sa dorm namin. Inayos at inilabas ko naman isa isa ang nakabalot na labing dalawang regalo sa may sala, kung saan bubungad agad kapag papasok na sila.

Alam kong babalik sila rito kasi may mga gamit pa silang kailangang kunin at iuwi.

Binuksan ko ang aking cellphone, bungad naman ng salitang 'Congratulations' ang notifications ko, pati na rin sa group chat naming magka-kaibigan.

Ang saya sa pakiramdam, pero kahit papaano may halo pa ring pait sa puso.

Ganito siguro talaga.

Ibinaba ko ang cellphone ko nang may kumatok at binuksan ang pintuan, unang bumungad ang tatlo kong kaibigan.

Si Knox, Fudge at Kuro.

Si Knox, na kahit mahigpit ang schedule, may oras pa rin siyang inilalaan para sa amin. Oras na hindi dapat sinasayang kasi baka kumurap ka lang, nasa office ulit siya e, hanep.

Si Fudge, na minsanan lang makihalubilo pero parang isang buwan na yung mga memories. Tahimik man siya minsan pero hindi niya nakakalimutan na may kaibigan pa rin siyang nandiyan para sa kaniya.

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon