It's been a month since the UAAP season finally ended, and everyone is back to their normal lives. The UST Men and Women's volleyball teams were both runner-ups for this year's season. Pio, Bella, and Celine went to the last two games of NU vs. UST.
Hindi na ako nakasama dahil marami akong kailangan tapusin na backlogs at malapit na rin ang final exams. And medyo nag ka trauma na rin ako sa mga lumilipad na bola so nag stay put na lang ako sa condo at pinanood na lang ito sa TV.
Ganun pa rin naman ang routine ko everyday. Papasok at uuwi. Hindi rin naman talaga kasi ako pala labas dahil may pag ka introvert ako. Actually, parang in between siguro. I do like socializing but there are more times na I feel like I'm better off alone. Mabilis din kasi maubos ang social battery ko.
Kaya hindi ko talaga alam kung paano ako napapayag ng tatlo kong kaibigan gumimik ngayong Friday. Napag decisyunan rin kasi ng buong block namin ang mag celebrate since katapos lang ng finals at eto na nga ang last day of classes namin.
Pag dating namin sa club nandun na lahat sila. Inaya rin kami agad nila Miguel sa booth na pina-reserve nila at pag kakita nga namin puro alak na yung nasa table.
Sobrang excited nilang lahat uminom dahil matagal-tagal na daw silang behaved. Natawa naman ako sa sinabi nila. Matagal na daw eh parang last week lang kakainom lang nila.
It's been a little over three hours since nandito kami at lasing na lasing na yung tatlo habang nag sasasayaw na sa gitna ng dance floor. I chuckled to myself seeing how fun they're all having despite na natutumba-tumba na sila sa kalasingan. Deserve naman nila mag enjoy.
Umalis muna ako sa booth namin at pumunta sa may bar para umorder ng coke. Doon muna ako uupo since natatanaw ko lang rin naman sila mula dito.
"Isang coke po." Halos pasigaw ko na sabihin sa bartender dahil hindi niya ako maintindihan gawa nga ng ingay. "Ilalagay ko na sa baso, miss?" Tanong ng bartender sakin. Tumango na lang ako at nag pasalamat sa kanya.
Habang nakaupo ako bigla kong nakita si Cassie kasama iba niyang teammates. Ba't andito siya? Nung nag tama yung tingin naming dalawa iniwas ko agad yung ulo ko sa direksyon niya.
Hindi ko talaga alam pero simula nung first encounter namin during their semi finals sa UAAP nawawala ako sa sarili ko pag nakikita o nakakasalubong siya kahit madalas naman ako binabati nito. Siguro dahil nahihiya pa rin talaga ako sa nangyari.
Dali-dali ko agad kinuha yung coke at lumapit sa dance floor para yayain na umuwi yung tatlo.
"Let's go home na, Celine." Halatang hindi ako maintindihan nito habang kinakausap ko siya. "Why? I'm still dancing!" Sabi nito at halos paiyak na nung niyayaya ko nang umuwi. Habang sila Bella at Pio naman nasa gitna kasama yung iba pa naming kaklase.
"Fine! Dito lang ako sa may bar banda ha? Puntahan niyo na lang ako kapag ready na kayong umuwi." Tumungo lang siya at tumuloy sa pag sasayaw.
Ayoko rin naman maging party pooper kasi nag e-enjoy pa naman sila kaya hinayaan ko na lang rin. Hihintayin ko na lang at baka mapaano pa kapag mauuna akong umuwi sa kanila.
Pag upo ko nagulat ako nang pag tingin ko si Cassie pala yung nasa tabi ko. Tatayo na sana ako ulit pero bigla kong naramdaman na may humawak sa may braso ko. "Aalis ka na agad?" Tanong nito sakin habang nakangiti.
"No—?" Anong klaseng sagot yan Mikey? "Eh bakit ka tumayo?" Napansin kong nakataas yung kilay nito habang natatawa. Nakaramdam ata na umiiwas ako sa kanya. Naupo na lang ulit ako sa tabi niya dahil nahahatak yung pwet ko na parang magnet.
YOU ARE READING
Marahuyo
FanfictionMarahuyo (adj.) Is a Filipino word that means "to be enchanted".