Chapter 9

299 13 29
                                    

The UAAP season has finally started and today was the first game for the Golden Tigresses.

It's my first day as a court side reporter pero hindi pa rin alam ni Cassie dahil sabi ko sa MVT ako na assign. Habang nag-aayos nga ako bago umalis biglang nag vibrate yung phone ko.

Cassie 💛

"Hi, baby." Napangiti na nga agad ako nang marinig ko yung boses nito pero kailangan ko mag panggap na hindi ako kinikilig. Syempre, kailangan natin mag pakipot ng onti.

"Anong baby ka diyan?" Ramdam ko ngang nakangisi ito sa kabilang linya.

"Ang sungit naman nito ang aga-aga." Natawa naman ako sa maaga niya. Alas dose na kaya ng tanghali. Napailing na nga lang ako.

"Sila Pio ba manonood?" Tanong nito sa akin. "Oo. Si Bella din daw tsaka Max pupunta. First game daw kasi ng season."

"Sayang hindi ka yung mag cocover ng laro ngayon. Pero dibale, gagalingan ko para sayo." Ngumisi nga ako sa sinabi nito sa akin.

Sa ilang buwan rin naman na pang liligaw nito sa akin walang palya talaga pagiging sweet at maaalahanin nito. Kaya hindi na rin nakakapag taka kung bakit nagustuhan ko siya.

"Kahit naman hindi ako manood alam kong gagalingan mo. Kayang-kaya mo yan!" Pag cheer ko nga dito.

"Thank you, Mikey. Mauuna na nga pala ako ah? Paalis na yung bus." Naririnig ko nga si sa background si ate Det nag nag heheadcount.

"Okay. Ingat kayo!" Binaba ko na nga rin yung tawag at nag madali na dahil halos sirain na ni Pio yung pinto sa kwarto ko at late na nga daw ako sa call time.

Si OA naman. Meron pa naman akong tatlong oras. Mauuna dapat kasi ako sa kanila pero ininsist nilang sumabay sakin.

Pag dating namin sa arena pinark ko muna yung sasakyan at dumeretso na rin sa loob para mag review ng script habang hindi pa naman nag-uumpisa yung laro. Meron pa naman dalawang oras kaya si Pio at Celine nag hanap muna ng makakainan.

Pag pasok ko nga bungad agad sila Angge at Em na sumasayaw sa harapan ng phone nila. Nagulat nga sila at natawa nung nakita nila ako.

"Hi, Mikey! Akala ko hindi ka manonood?" Bungad agad ni Angge sakin. "Ako courtside reporter niyo ngayon." Nag tinginan yung dalawa nang nakangisi.

"Nako! Magaganahan si Cassie niyan pag nakita ka." Pang-aasar ni Angge sa akin. "Ganado talaga yun, syempre first game of the season." Sagot ko nga rito.

"Oo. Pero pag nakita ka nga, mas gaganahan syempre." Sabat naman nito ni Em.

Umiiling nga ako na natatawa kasi mukhang alam na rin yata nilang lahat na nililigawan ako ni Cassie. I guess it's no secret anymore.

"Mauna na ako sa inyo. Goodluck mamaya!" Kumaway na yung dalawa at bumalik na rin sa loob.

Umupo nga muna ako at nilabas na yung script. This is the first time that I'm going to be covering an actual game kaya grabe yung kaba na nararamdaman ko.

Hindi ko na rin nga namalayan yung oras dahil mag sisimula na yung game. Lumapit na nga rin ako sa camera man para makuha yung instruction kung saan ako dapat naka pwesto.

The Lady Tigresses won and the final score was 3-2. The Lady Warriors did so well too. They didn't go down without a fight.

I'm now going to be interviewing Coach Kung Fu and the player of the game who is no other than The Golden Tigresses' magic bunot, Xyza Gula.

After I was done doing the interviews I finally said my closing spiel.

"Ang galing, Mikey. Not bad for your first time!" Sabi agad sa akin ni Sir Benny. One of UAAP's camera men. "Thank you po, sir. It's a pleasure working with you." Ngumiti ito sa akin at nag paalam nang umalis.

MarahuyoWhere stories live. Discover now