"Hi." Pag ngiti nito sa akin. Hindi ko maintindihan pero parang mas lalo lang sumakit yung tiyan ko. Hindi ko alam kung natatae ba ako o nasusuka.
"Okay ka lang ba? Parang namumutla ka ata." Pag-aalala nito.
"Oo naman. Okay lang ako." May sasabihin pa sana siya sakin pero naputol yun dahil biglang tumunog yung phone niya.
Pag ka sagot naman niya dito biglang kumunot yung noo niya na para bang problemado siya. Nag excuse muna ito sa akin at tumayo para lumabas. Bigla ngang nawala yung ngiti sa labi nito.
Pag kabalik niya hindi na siya umupo at niyaya na niya akong umalis. "Mikey, may pupuntahan pa kasi ako, ihahatid muna kita kanila Pio bago ako umalis."
Pag karating namin sa Zara nakita kong kumaway si Reg sa amin agad.
"Ang bilis niyo naman ata? Mamaya pa sana tayo magkikita bago mag dinner." Sabi nito. Napakamot si Cassie sa may batok niya.
"Sorry. Tumawag kasi si Thea sakin. Kailangan daw niya ako. Sorry talaga. Babawi ako sa inyo promise." Kumaway muna ito sa amin at dali-dali na rin umalis.
Napa buntong hininga na lang sila Reg at ate Detdet pag kaalis ni Cassie. Halatang dismayado yung dalawa na iniwan sila nito.
"Siya pa naman driver namin pauwi." Sabi ni Reg. "Hayaan niyo na, sumabay na lang kayo sa amin. Maluwag pa naman sa sasakyan eh." Nakita ko naman na parang gumaan pakiramdam nila sa sinabi ni Max.
"Totoo! Kasyang-kasya pa naman." Dagdag naman ni Bella. "Pero wait lang, sino muna si Thea?"
Tanong ni Pio sa kanila. "Ewan ko ba kung ano sila ni Cassie. Basta tuwing mag te-text or tatawag yun hindi na mapakali yung isa. Alam ko nga may girlfriend yun pero sabi naman ni Cassie sakin on and off daw sila."
"Yun ba yung kayakap niya kagabi sa labas ng club?"
Tanong ko dito."Oo! Siya nga! Paiyak-iyak pa si ate mo. Ang galing talagang mag-inarte nun. Pwedeng-pwede na isali sa PBB. Naiirita talaga ako doon! Parang tumataas BP ko kapag nakikita ko pa lang."
"Nakita mo pala sila kagabi?" Tanong ni Reg sakin habang naka ngisi ito. "Oo. After ako tulungan ni Cassie isakay 'tong tatlo sa Grab pag tingin ko may kayakap na siyang babae." Nahihiyang pag ka sabi ko.
"Ewan ko ba kung kelan magigising yan si Cassie sa katotohanan. Sobrang bait naman kasi talaga niyan. Though kahit kanino naman ganyan siya. Pero iba kasi talaga pakiramdam ko doon sa babaeng yun." Sabi ni ate Det sa amin.
"Nakakaloka! May ka situationship pala si Cassie? Paano na si Mikey niyan?" Halos mabuga ko naman yung iniinom ko sa nasabi ni Pio.
"Huh? Pinag-sasasabi mo diyan, Pio?" Pag taas ko ng boses sa kanya. Nag tawanan naman silang lahat dahil ngayon lang daw nila akong nakitang sumagot ng ganun.
Pag katapos namin mag ikot-ikot at kumain nag decide na rin kaming umuwi. Hinatid namin sila Reg at ate Detdet sa dorm nila. Hindi ko inakala na ang lapit lang pala ng condo namin sa kanila. As in tatawid ka lang talaga.
⋆⭒˚.⋆𝜗𝜚
"Sige na, anak. I have to go to work. Alam mo naman, kailangan kumayod para may pang lakwatsa! Bye, my baby! I love you and see you soon." Natawa naman ako sa sinabi ni Mommy.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko nakuha yung ugali kong may pag ka tahimik. Obviously, hindi naman sa parents ko dahil parehas silang madaldal.
"Okay, Mommy. I love you! See you soon!" Pagbaba ko ng phone nakaramdam na rin ako ng gutom. Pag check ko sa oras past 9 na pala. Tinignan ko kung ano pa laman sa ref kaso tubig na lang pala. Kinuha ko muna yung wallet ko sa kwarto bago bumaba at makahanap ng mabibilhan ng pagkain.
YOU ARE READING
Marahuyo
FanfictionMarahuyo (adj.) Is a Filipino word that means "to be enchanted".