Trigger Warning: Violence
Cassie has been nothing but supportive these past few days.
Every morning palagi niya akong sinusundo and after training naman she would take me home. I'm really thankful to have her alongside Pio, Celine, and Bella. I actually didn't really expect our friendship to blossom like this but I am forever grateful.
"Mikey, baka hindi pala kita mahatid. Birthday kasi ng isa sa mga teammates ko kaya lalabas kami for dinner after training then nag babalak silang mag bar."
I feel bad kasi ako na lang mostly kasama nito dahil nga sa nangyari sa amin ni Wren.
"Ano ka ba, okay lang no! Actually, kahit hindi mo na nga ako ihatid or sunduin eh." Umiling naman ito at bumuntong hininga.
"Hindi pwede. Diba nga sabi ko sayo I will always be here." Totoo naman na nag promise talaga siya sa akin nun pero still, ayoko na I would take up too much of her time.
"Kasama ko naman palagi si Pio and Celine. Don't worry too much about me and have fun!" Sabi ko pa nga dito.
Since it is a Friday night, I was highly encouraging her to go out. "Alam mo naman hindi rin ako ma party, Mikes. Plus, di rin ako masyadong umiinom."
"Hindi naman palagi eh. You can have fun without drinking. Si Bella proof niyan. Tamo nga, buntis pala pero grabe kung makahataw nun sa dance floor."
Natawa naman siya sa sinabi ko at nakangiti sa akin.
"Go na Cassie! May training ka pa, sige ka! Ma lelate ka nanaman niyan. Lagot ka kay ate Det." Umalis nga rin siya at bumalik na sa QPAV.
Today was a day off from our training. And finally, I can binge watch a new show since sinabi ko nga sa sarili kong mag enjoy muna. Pag pasok ko nga sa unit wala pa yung dalawa dahil nasa grocery sila kasi wala nang laman yung ref. Takot pa naman kaming tatlo magutom.
Nakaidlip nga ako kaya pag kagising ko nag shower muna ako bago pumwesto sa may sofa. It's past 8pm na rin at wala pa nga rin yung dalawa kaya nag decide na akong tawagan 'to.
Since naka off nga yung phone ko buong araw binuksan ko na ito at nagulat nga akong sunod-sunod pala yung message ni Pio.
Wala pa ngang ilang segundo at tumawag na sa akin si Pio.
"Mikey! Nandito kami ngayon sa ospital! Manganganak na si Bella." Nag panic naman ako agad at nag bihis na nga para makaalis.
"Nandito kami sa 4th floor. Basta tawagan mo ako pag andito ka na." Binaba niya na nga ito at kinuha ko na agad yung bag at susi ko sa condo.
Pag labas ko nga nagulat ako kasi si Wren nandito pala.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi lang ito sa akin at hinimas yung bigla yung braso ko.
"Malamang para makita ka. Hindi mo ba ako namimiss?" Hahalikan pa nga sana ako nito pero buti nailag ko yung mukha ko.
"Wren, please. Tapos na tayo. Hayaan mo na ako." Pag mamakaawa ko dito.
"Ano? Ganun-ganun na lang ba yun, Mikey? Akala mo wala lang? Bakit? Kayo na ba ni Carballo?" Nainis ako nung sinabi niya yun at tinignan ito ng masama. Hindi ko talaga alam saan to nakakakuha ng lakas ng loob.
"Cassie is just a friend. Nothing more." Nakita ko nga sa mukha nito na nag dududa ito.
"Wren, you're abusive. And clearly marami ka pang issue sa sarili mo so I think it's better that we don't see each other anymore. What you did to me was not okay and will never be."
YOU ARE READING
Marahuyo
FanfictionMarahuyo (adj.) Is a Filipino word that means "to be enchanted".