Chapter 10

345 12 46
                                    

It's already a month since me and Cassie have been officially together and today was our first monthsary. But unfortunately, hindi kami makaka celebrate ngayon dahil may game sila at ako naman may kailangan pang tapusin na project para sa isang major subject.

Habang bumibili nga kami nila Pio at Celine ng pagkain dito sa may carpark napansin ko na ang daming tao sa labas ng Eva's. Mukhang nag-aabang sila ng mga athletes since madalas naman talaga doon sila kumakain.

Nung nakuha na nga namin yung pagkain dumeretso na kami pabalik ng condo. Doon na lang siguro kami kakain dahil halos wala na nga rin kaming maupuan dito. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Cassie dahil buong araw rin kaming hindi nag-uusap.

"Huy! Ang lalim ng iniisip mo ah. Okay ka lang?" Till now kasi wala pa rin akong binabanggit kanila Pio na kami na ni Cassie.

We're both still keeping things to ourselves, savoring every moment na kami lang nakakaalam kumbaga.

"Hello? Mikey, okay ka lang?" Tanong naman ni Celine.

"I'm okay." Sagot ko naman dito. "Ay alam ko na bakit wala ka sa mood! Hindi pa kasi tumatawag si Cassie eh." Pang-aasar naman ni Celine sa akin na umagree rin si Pio.

Totoo naman, pero mostly nag-aalala ako para dito dahil halos wala na siyang pahinga. From acads to training lahat pinag sasabay-sabay niya.

"Pag wala sa mood, si Cassie agad? Hmm. Pero true naman. Hindi ko na idedeny." Natatawang sinabi ko sa dalawa. "

"Ba't kaya hindi mo subukan na ikaw naman yung tumawag no?" Suggestion ni Pio sa akin.

"Baka kasi mag mukhang needy ako?" Umiling naman si Celine sa sinabi ko.

"Hindi yan. Baka nga hinihintay lang nun na tumawag ka para mapawi lahat ng pagod niya." Talaga ba? Natatakot kasi ako na isipin niyang hindi ko siya binibigyan ng sarili niyang space.

"Tawagan mo mamaya before game. 5pm daw start sabi ni Detdet sa akin. At kami naman, lalayas na."

Doon kasi sila ngayon matutulog kanila Bella at gusto daw nilang mag movie night. Syempre, unli chismisan nanaman. Pag kaalis nga nila nag hugas muna ako ng pinag kainan namin at chinarge yung phone ko para matawagan ko si Cassie.

Hindi nga ako makakasama dahil ako yung courtside reporter para sa game ng Men's Basketball Team bukas ng umaga. UST vs ADMU medyo maaga nga yung call time namin dahil 8am pa lang kailangan nasa arena na kami.

"Hi, baby." Bungad agad nito sa akin. Kinikilig nga ako tuwing naririnig ko yung boses nito.

"Hi! I just want to wish you goodluck today." Sabi ko nga dito. Alam ko naman that she's always bringing her A game to the court. But a little goodluck wouldn't hurt right?

"Thank you. Kamusta baby ko today?" Ang lambing ng boses grabe pwede na akong matunaw. Lord, thank you po. Hindi ko alam kung anong klaseng kabutihan nagawa ko in my previous life pero thank you po.

"I'm okay naman. How about you? Kumain ka na ba? Baka hindi pa ah, kumain ka, ayokong nagugu–"

Hindi pa nga akong tapos mag salita pero sumagot na agad ito sa akin.

"Opo kumain na ako. Busog po ako. Don't worry about me." Natatawang sinabi nito. Most of the time talaga nag-aalala ako dito kasi nakakalimutan niyang unahin sarili niya bago iba.

"Alam kong nag-aalala ka sakin. Okay lang naman ako. Dapat nga ikaw tanungin ko kung kumain ka na ba eh." Hay biglang binalik sa akin.

"Yes, kakakain lang. Bumili kami sa may carpark kanina." Di ko nga alam kung saan siya nag lunch kanina since walang update.

MarahuyoWhere stories live. Discover now