Habang tinataw ko yung view ng Manila sa condo ko I can't help but appreciate of what's in front of me. I have always been in awe of the city lights and how pretty they can be at night.
It's been over a year since I moved back here coming from the States. And honestly, I've never been happier. I know most people will probably question me why. But I love it here. It's home for me.
When I was little both my parents got separated and my Mom decided it was for the best that she moves back in New York to be with my Lolo and Lola since they are both getting older so every summer vacation I would always come home to the Philippines to be with my Dad in Iloilo.
My parents gave me a choice if I wanted to study college in the States. But it was really expensive so I decided it's better to study in Manila. Every once in a while pumupunta si Daddy para bisitahin ako dito.
Inaasar nga ako na baka daw may tinatago na akong boyfriend dito sa condo. Sure ka ba talaga dad na straight ako?
Pag katapos kong mag muni-muni sa may balcony pumasok na kaagad ako dahil lumalamig na rin. Narinig kong tumunog yung phone ko kaya agad ko rin 'tong chineck. Messenger pala yung nag notif. Pag tingin ko nga nag papanic na sila Pio kasi meron daw oral recitation bukas sa isang subject namin.
Nag tanong ako kung tungkol saan yung topic at dali-dali rin nag bukas ng notes silently praying na hindi mabunot yung pangalan ko sa index card.
⋆⭒˚.⋆𝜗𝜚
"Thank you, Lord! Talagang nag papasalamat ako na madali lang yung tanong ni sir kanina." Sambit ni Pio habang nag lalakad kami papuntang Lacson para mag hanap ng makakainan.
"Huy bakla totoo! Sa sobrang kaba ko kagabi sabi ko sa sarili ko aabsent ako ngayon at mag submit na lang ng excuse letter kung bakit hindi ako nakapasok." Natawa kami nila Pio at Celine sa sinabi ni Bella sa amin.
Nang makarating na kami sa kainan umorder na agad kami at buti na lang may mga upuan pa. "Mikey, nakaka adjust ka na ba ng maayos dito sa Manila?" Tanong bigla ni Celine sa akin.
"Oo. So far okay naman ako." Sagot ko dito.
"Guys, may game pala sa Saturday. Nood tayo please! Nakisuyo na ako agad ng apat na tickets para satin." Pio excitedly shared. "Sus! Andun kasi yung crush mo eh. Hinahatak mo pa kami." Pang-aasar naman ni Bella sa kanya.
"Alam mo, Bella. Manahimik ka diyan. Porket may boyfriend ka!" Umirap na lang si Celine sa kanilang dalawa at sinabing sasama daw siya para sumuporta kanila Detdet.
"Mikey, nood ka rin please! Never ka pa naka experience ng UAAP game diba?" Tumungo nga ako sa kanya at pumayag na sumama.
⋆⭒˚.⋆𝜗𝜚
Nandito na kami sa arena at yung game ngayon ay UST vs La Salle. Grabe yung crowd! Semi-finals rin kasi ngayon at yung seat pa na binili ni Pio ay patron kaya tuwang-tuwa sila na ang lapit namin.
Hindi naman halata na gustong-gusto niya masilayan yung mga players at all out pa nga ang outfit nito. With matching tiger headbands pa silang dalawa ni Bella habang kami naman ni Celine naka white UST shirt lang.
First time kong umattend ng ganitong event. Sa isang taon ko sa UST hindi pa ako nakakapunta sa laro kahit isang beses. Meron free live screening sa QPAV pero hindi naman ako nag pupunta dahil hindi ako fan ng sports masyado.
Maya-maya nga rin ay lumabas na yung mga players sa dugout at nag hiyawan yung mga tao.
Habang nag wa-warm up sila kinuha ko na muna yung librong dala-dala ko tutal hindi pa naman nag-uumpisa yung laro.
YOU ARE READING
Marahuyo
FanfictionMarahuyo (adj.) Is a Filipino word that means "to be enchanted".