Chapter 6

285 9 30
                                    

It's been a couple of months since the semester started and I have been training to be a courtside reporter for the next season in the UAAP.

Normally, after classes I attend our sessions. Sakto naman na Cassie also gets off from training kaya madalas kaming nag kakasama nito. From there, we grew incredibly closer.

After our Zambales trip I decided to forget what I was 'feeling' for her and shut it out. Alam ko sa sarili ko na kaibigan lang ang magiging tingin nito sa akin at hindi na ito hihigit pa doon. I also told the girls about it and asked them– no, begged pala is the word. To stop teasing me because it will only just get worst on my end.

I finally admitted to myself na I was already liking her dahil mas lalo lang akong mahihirapan mag move on kung in denial pa rin ako. Hindi rin naman kasi mahirap magustuhan si Cassie. I have never met someone with such a pure heart with genuine intentions.

After ng klase ko nagkita kami ni Cassie dahil inaaya niya akong lumabas ngayon. Nag papasama kasi siya sakin bumili ng regalo para sa baby ni Bella and Max since inorganize namin yung surprise baby shower para sa kanila.

Nakarating na nga kami sa may Fishermall at hindi pa nga kami nakakapasok, madami nang nag papa picture sa kanya. Nakakatuwa kasi marami nang humahanga kay Cassie.

"Gusto niyo ako na lang mag picture sa inyo?" Tanong ko sa isang grupo ng mga babae.

"Hala! Sige po. Thank you po!" Ang cute lang kasi may mga t-shirt sila na nakalagay yung last name at jersey number ni Cassie.

Nakabili na nga kami ng regalo at nag decide kumain dahil kailangan ko na nga pakalmahin mga alaga ko sa tiyan at buong araw pa nga walang laman ito.

"Hindi ka nanaman ba kumain kanina?" Tanong nito sa akin. Ngumisi lang ako at kitang-kita kong dismayado yung itsura nito.

"Mikey, diba sabi ko sayo kumain ka. Nag susumbong sa akin si Pio na kahit break time niyo hindi ka kumakain." Snitch talaga 'tong si Pio. Ever since kasi na nag move out na si Bella sa condo nila ako na yung pumalit dito kaya tatlo na kaming mag kakasama along with Celine.

"Sorry, sobrang busy ko lang rin kasi lately." Tinaasan naman ako ng kilay nito at umiling.

"So walang time? Eh pare-parehas naman break time niyo pero nakikita ko lagi sa carpark yung dalawa." Hindi na nga ako nakasagot dahil sakto nga na dumating yung inorder niya. "Parang ang dami ata nito?" Tanong ko dito.

"Dinamihan ko talaga para marami kang kainin." Natawa naman ako dito kasi sinusungitan ako. Hay nako. Kung may pinaka maalahanin akong friend si Cassie na talaga yun.

"Eto naman, kakain na nga eh. Wag ka na magalit. Smile ka na hindi bagay sayo nakasimangot eh." Ngumiti rin naman ito agad sa sinabi ko.

⋆⭒˚.⋆𝜗𝜚

After more than a month of planning Bella and Max's surprise baby shower, it was a success! Nakakatuwa nga dahil one month na lang meron nang baby yung dalawa naming kaibigan.

Nag stay nga yung iba para tulungan kami mag ligpit sa venue including sila ate Det, Reg, and Cassie. Kanina pumunta rin yung parents nila pero kinailangan nang mauna dahil may meeting pa daw ang mga ito sa isang investor nila.

Maya-maya pa may tumawag kay Pio at sinagot rin niya 'to. Lumapit ito bigla sa akin at inabot yung phone.

"Si Wren." Sabi nito. Nag taka muna ako kung bakit pa sa kanya tumawag ito at hindi na lang sa akin pero naalala ko na naiwan dahil sa kakamadali yung phone ko sa condo.

MarahuyoWhere stories live. Discover now