Chapter 13

217 11 24
                                    

It's been a week since nakabalik ako ng Manila and hanggang ngayon hindi pa rin mag ka tugma yung schedule namin ni Cassie.

Malapit na nga rin mag pasukan ulit at back to training na daw siya next week kaya they're making the most out of it. Sabi nga nito sa akin na guilty daw siya kasi wala man lang siyang time para sa akin.

Oo, nakakalungkot at namimiss ko nga rin siya pero naiintindihan ko naman. Sabi ko nga makakabawi rin kami sa isa't-isa kapag wala na masyadong ganap yung team nila. Madalas rin kasi sila mag guesting sa mga palaro kaya walang araw na nabakante siya.

Buong araw nga ako nakahilata ngayon dahil kahapon nilalagnat ako.

Sabi nila Celine sa akin na wag muna ako kumilos masyado at kailangan ko daw mag pahinga. Buti nga nandiyan sila para alalayan ako. Sayang nga kasi dapat bibisita sila Bella kahapon pero sabi ni Pio wag na muna kasi baka mahawa si Addie sa akin.

Tatayo sana ako para lumabas pero biglang nag vibrate yung phone ko. Pag check ko nga nag send pala si Cassie ng message sa akin. Hindi ko nga binanggit dito na nag kasakit ako kasi alam ko na mag-aalala yun ng sobra at baka mag madali pang umuwi galing ng Batangas since nandun sila ngayon.

Cassie 💛
hi, baby. nakabalik na ako ng manila :)
7:45 P.M

Mikey
Hi! Ang bilis ata? Akala ko tomorrow pa?

Cassie 💛
tinanong ko si coach kung pwede mauna na ako hehe pumayag naman. plus, monthsary natin ngayon. hindi pwedeng di kita makita.

dito na ako sa parking ng condo. see you! 😘
7:48 P.M

Instant panic washed over me nung nabasa ko yung last message nito kasi hindi pa ako nakakaligo simula kahapon dahil pinag babawalan ako nila Pio at baka mabinat pa daw ako. Nag mamadali nga akong tumayo sa kama at dumeretso ng CR para maligo.

Pag labas ko nga nandun na si Cassie nakaupo sa dulo ng kama at nag lalaro sa phone niya.

Tinignan ako nito habang nakangiti. Lumapit nga ito at niyakap ako ng mahigpit. "Missed you, baby." Sabi nito at pumiglas sa pag kakayakap para halikan ako sa labi.

"I missed you too! How are you?" Bago pa nga lang ito makasagot biglang bumukas yung pinto at nakatayo doon si Pio at Celine.

"Anong kaharutan nanaman ginagawa niyo?" Nag explain nga ako na kaya naka tuwalya lang ako dahil nalimutan kong dalhin yung pamalit ko kanina sa banyo. Napa iling na nga lang ako sa dalawa. Jusko.

"Nga pala, dapat di ka muna naligo. Kakagaling mo lang ng sakit. Pag ikaw talaga nabinat ng di oras!" Singhal ni Pio sa akin. Nilakihan ko nga ng mata 'to dahil hindi alam ni Cassie at baka pagalitan rin ako kapag nalaman niya.

Dali-dali nga lumabas yung dalawa at natataranta pang isara yung pinto.

Narinig ko ngang napa buntong hininga 'to kaya di ako kumikibo. "May sakit ka? Bakit hindi ka nag sasabi sa akin?" Halata nga sa boses nito na dismayado. Kumuha nga muna ako ng damit bago sumagot.

"Kahapon lang naman. Okay na ako, swear!" Umiiling nga ito sabay kinuha yung thermometer kay Pio.

Pinag bihis muna nito ako bago pahigain sa kama. Di naman ako maka angal dahil naka simangot na 'to sakin kaya hindi na ako papalag. Pag higa ko nga nilagay niya yung thermometer sa may bandang kili-kili ko. Pag tunog nga nito kinuha niya agad.

"May sinat ka pa tapos naligo ka." Sabi nito habang nakataas yung kilay niya sa akin. Ngumisi nga lang ako dito. "Hindi pa kasi ako naliligo simula kahapon eh." Pag dadahilan ko dito.

MarahuyoWhere stories live. Discover now