Chapter 4

242 9 21
                                    

It's been two weeks since I've landed in New York at sa isang taon na hindi ako nakauwi wala pa rin naman nag bago. Marami talagang tao at sobrang traffic pa din. But despite that, I'm happy to be back. I've missed some of my friends but most specially my family here. Since my Mom got remarried she had kids with her new husband, Uncle Craig. I have two younger siblings named Cara and Cecelia who are both naughty little six year olds.

Nakaupo lang kami ngayon sa isang café malapit sa Times Square dahil namimili lang ako ng mga pasalubong na dadalhin para kay Dad at pati na rin kanila Pio. Habang inaayos ko yung iilan sa mga nabili ko bigla akong tinawag ni Mommy.

"Yes po?" Tanong ko dito. "Anak, wala ka ba talagang boyfriend sa Pinas? Nag tataka ako na wala kang kini-kwento sa akin. Nag tatampo na ako sayo." Ngumuso ito na para bang bata na kinatawa ko naman.

"Wala, Mommy. Promise. At kung meron man syempre mag sasabi naman po ako sa inyo." Ngumiti naman ito bigla sa akin. "Eh crush?" Bigla akong natulala sa tinanong nito sa akin at kitang-kita kong lumaki lang lalo ngiti niya.

"Meron no? Hay ang baby ko talagang dalaga na." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy na una sa lahat, never akong mag kaka boyfriend, at pangalawa, sa babae lang ako nag kakagusto. Parang natuyuan ako ng laway sa bibig dahil hindi ako makakibo dito.

"Sino yan, anak? Classmate mo ba? Gwapo siguro yan 'no?" Pag halakhak nito. "Mom, I have to tell you something. I know you'll probably get mad at me for this. But I've been keeping this to myself for a long time now." Pinatong nito ang kamay niya sa taas ng akin at hinimas ito na parang bang kino-comfort ako.

"Ano yun, anak? You know you can tell me anything." Pag-aalalang sinabi nito sa akin. "Mom, I like girls." Sambit ko dito. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko dahil matagal-tagal ko na rin talagang gusto sabihin sa kanya ito. Natatakot lang ako at baka hindi niya matanggap na ganito ako.

Nakita kong naluha ito at dali-dali ko naman siya inabutan ng tisyu. Tumingin ito sa akin at kitang-kita ko sa mga bata niya na masaya siya. Matagal na rin siguro siyang nakaramdam, ayaw lang pangunahan ako.

"Hay, anak. Akala ko hindi mo aaminin sa akin. Matagal ko na yan naramdaman nung pinakilala mo pa lang sa akin dati si Alexis. Alam kong hindi mo lang siya kaibigan."

Alexis was my girlfriend for three years. We met in high school and the rest was history. Hindi ko naman sa kanya unang naramdaman na sa babae ako nag kakagusto, pero bata pa lang talaga ako nag tataka na ako bakit yung mga kaklase kong babae mga crush nila ay lalaki samantalang ako, sila yung crush ko.

We did try to make it work lalo na ako because I just couldn't let her go. Habang nasa Pinas ako palagi niyang sinasabi na hindi daw niya kaya ang LDR and ended up cheating on me. Pero it's been going for a while na daw even before I left kaya grabe yung trauma na sinapit ko doon. But I'm thankful that I didn't go through it alone dahil nandun sila Pio, Bella, and Celine for me.

Pero masaya na ako ngayon. Despite what happened between me and Alexis I still wish her the best in life. I forgave her not because I was okay with what she did, but because I wanted to finally have peace of mind that I hadn't had in a long time.

"Thank you, mommy. I love you." I got up from my seat to hug her. She kissed my forehead and hugged me tighter. And for a while there, I felt relieved.

After buying all the things I was bringing back to Manila we decided to finally go home kasi kailangan ko pang ayusin yung mga gamit ko sa bagahe. Iniisip ko na agad kung paano ko ba ito lahat pag kakasyahin at baka ma over baggage nanaman ako. I don't want to pay extra pero mukhang I have to. Sa dami ba naman nito. Natawa na lang ako at humiga muna sa kama para mag scroll sa phone ko.

MarahuyoWhere stories live. Discover now