Chapter 12

288 10 47
                                    

A few months have already passed, and the UAAP season has finally ended again. The UST Golden Tigresses made it to the finals along with the NU Lady Bulldogs and secured the championship.

Cassie was also the best setter this season and I couldn't be more proud. Their hard work really paid off.

"So, this is it. See you in a month?"

Nandito nga ako ngayon sa aiport kasama si Cassie dahil uuwi ako ng Iloilo at siya naman pauwi ng Silay. Pero one week lang rin siya doon at babalik na agad 'to ng Manila dahil pupunta yung buong team ng Japan para mag bakasyon.

Nagulat lang rin ako na parehas pala kami ng terminal at date ng pag-alis kaya natawa ako nang sinabi nito sa akin kagabi na ihahatid daw niya ako, ayun pala sabay kaming dalawa.

Inaasar ko nga kanina na sinakto niya siguro na mag ka parehas kami. Sagot nito sa akin destiny daw siguro.

"I love you, baby. I'll see you soon. Promise." Sabi nito habang yakap yakap ako nang mahigpit. Una kasing mag board yung flight ko at mamaya-maya pa yung kanya.

"I love you too! Kiss mo naman ako." Nguso ko dito natawa nga ito at hinalikan ako sa labi.

Dati nga nahihiya pa akong mag PDA, pero ngayon hindi na. Though di naman excessive, nasanay na rin ako kasi affectionate talaga si Cassie. Alam na nga pala ng lahat na may girlfriend na siya. Syempre, maraming na disappoint nung una pero majority naman ng fans ay very supportive sa kanya kaya sobrang thankful niya.

Nag lakad na nga ako papasok ng eroplano at hinintay yung ibang pasahero pero nagulat ako nang isara na yung pinto. Akala ko maraming tao pero onti lang pala. Sinuksok ko na nga sa tenga ko yung airpods at sinubukang matulog kahit isang oras lang yung flight.

Pag dating ko nga sa labas ng airport nandun agad si Daddy nakatayo at may dala pang papel kung saan nakasulat yung pangalan ko. Napailing na nga lang ako at tumakbo na papunta rito para yakapin siya ng mahigpit.

Namiss ko si Daddy. "Kamusta Tinay ko?" Tanong nito. "I'm okay. Namiss ko kayo!" Sagot ko.

"We missed you too, anak." Pumiglas na nga ako sa yakap para tulungan si Daddy ilagay yung mga dala ko sa sasakyan dahil dalawang maleta inuwi ko at yung isa puro pasalubong para sa kanila nila Nanay, Tatay, Tita Mae, at sa baby.

Oo, baby. Di ko rin inakala na mag kaka baby pa sila.

Hence, na move yung wedding nila dahil nabuntis si Tita Mae. Which is next Saturday na. Sobrang excited ko nga dahil, finally! Deserve nilang dalawa maging masaya. Kailangan rin nila Daddy ng happy ending syempre.

"Kelan pala dating nila Pio at Celine?" Tanong nito sa akin.

"A day before the wedding, Dad. Excited na nga yung dalawa mag beach at kating-kati na daw sila mag gala." Natawa nga ito sa sinabi ko. "Buti naman makakapunta sila. Si Bella hindi makakasama?"

Sayang nga at wala ito. Mahirap pa kasi dalhin yung baby kaya sabi nito next time na lang pag malaki-laki na si Addie.

Habang nakatanaw nga ako sa bintana sobrang namiss ko ang Iloilo. I love New York. Pero wala pa rin tatalo dito sa probinsya. Half of my life I spent here kaya sabi ko sa sarili ko na baka hindi rin ako mag settle sa Manila after college. Baka umuwi na lang ako dito para tumulong kanila Daddy.

But who knows? Anything is possible.

"Anak, si Cassie pala, how is she?" Kilala na rin halos ng buong pamilya ko ito at palagi nga akong tinetext ni Nanay na mag send daw ng picture namin.

"She's okay. Umuwi siya ng Silay pero one week lang siya doon. Pupunta kasi silang Japan next week." Sabi ko nga dito at tumungo ito.

"Ba't hindi ka sasama sa Japan?" Napatingin nga ako dito at natawa. "Dad, bakasyon yun ng buong team nila. Hindi naman po ako parte nun." Natatawang sinabi ko dito.

MarahuyoWhere stories live. Discover now