Chapter 5

244 12 22
                                    

"So, guys. We only have six days left ng bakasyon. Baka naman may gusto kayong gawin diba? Sobrang walang kwenta ng summer ko!" Sabi ni Pio. Maaga pa nga lang at nagulat ako kasi umakyat na yung tatlo sa unit ko. Gusto daw nila makabalita kung ano ginawa namin ni Cassie nung iniwan nila kami.

"Sabagay, kawawa naman si Pio. Parang siya lang ata yung hindi nakauwi sa atin." Hindi siya makauwi dahil she's mad that her Dad is getting married to his girlfriend of three years.

"Ikaw kasi eh, bakit mo pa tinitiis Daddy mo." Umirap ito at sumagot.

"Alam niyo naman why I hate that woman! Hindi ko matanggap na yan yung ipapalit ni Daddy kay Mommy. Yung kabit pa talaga niya." Pio's Mom died three years ago because of an accident. She says that her Mom was on her way home after makita ang Daddy niya na may kaluguyong iba.

She only openly talked about it once and after that we've never brought up the topic. We don't want to be insensitive and hurt her feelings. Pio's the type of person na sobrang masiyahin at pala tawa kaya hindi mo maiisip na ganun pala yung pinag-daanan niya.

But even after everything, she told us she still forgave her Dad dahil siya na lang ang nag-iisang family na meron siya.

"Gusto niyo ba mag Bohol?" Tanong nito sa amin.

"Pio, ang layo. Plus, super mahal ng airfare kapag aalis ka agad. Baka doble na bayaran natin niyan." Sambit ni Bella dito. "Okay lang yan! Si Daddy naman mag babayad. Bumabawi ata sakin."

"Huh? Totoo ba? Wag na hoy! Nakakahiya naman." Kaya ko naman bayaran yung sarili kong airfare yun nga lang isang buwan siguro akong mag dedelata.

Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ang mang hingi kanila Daddy at Mommy para sa luho ko. "Wag ka na mahiya! Okay lang yan!" Pag pipilit nito.

"Pwede naman tayo sa malapit na lang tutal malapit na rin mag pasukan." Suggestion naman ni Celine.

"Sa Sundowners na lang tayo, sa Zambales. Maganda doon." Sabi ko. Sinearch naman nila agad at nagustuhan nila, sakto rin pag inquire namin yung isang villa daw nila pwede pa.

"Game na! Ipa-reserve na yan!" Sobrang na excite kaming lahat dahil first time ko rin sila makakasama sa bakasyon. Last year kasi umuwi ako ng Iloilo kaya sila lang yung nakapag Bohol kasama sila Ate Detdet.

"Apat lang ba tayo?" Tanong naman ni Celine.

"Hindi. Sasama rin sila Cassie." Ngiting-ngiti naman yung dalawa nang sabihin ni Pio 'to. "Alam ko na agad mga itsura niyo tigilan niyo yan." Pag babanta ko sa kanila.

"Pero wait, diba may training sila?" Sabi kasi ni Cassie sakin yun kagabi. "Oo, pero ngayon lang ata. Tapos may break sila for a few days before mag start yung sem." Sabi naman ni Pio.

"Wala naman kaming ginagawa ah? Hindi ba pwedeng masaya lang kami kasi marami tayo? Ay nga pala, Bella, pwede kaya isama mo si Max. Para meron na tayong isa pang driver." Tutal taga UST rin naman siya, parehas kami ng opening of classes.

"Game na! I-book na yan!" Nang ma-book na nga ito dali-dali na yung tatlo bumaba dahil aayusin na nga daw nila ang gamit nila.

⋆⭒˚.⋆𝜗𝜚

4am pa lang ng madaling-araw bumaba na kaming apat sa lobby. Hinihintay na lang namin si Max pati na rin sila Reg dumating. Inaantok pa nga ako dahil hindi ako makatulog ng maayos simula nung dumating ako ng Manila. Hirap pa rin maka adjust yung body clock ko.

Maya't-maya rin dumating na sila. Dalawang sasakyan yung dala ni Max dahil hindi kami kasya sa isa. Akala mo naman kasi mag iibang bansa sa mga bitbit si Pio at naka maleta pa nga ito. Hindi ko mapigilang hindi matawa nung nakita kong hatak-hatak niya ito.

MarahuyoWhere stories live. Discover now